Facebook

MUSLIM COMMUNITY BINATI NI PBBM SA PAGDIRIWANG NG EIDL ADHA

NAGPAABOT ng kanyang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha nitong Miyerkules, Hunyo 28.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni PBBM na kaisa siya ng buong Muslim Filipino community sa loob at labas ng bansa sa paggunita ng Feast of Sacrifice.

Wala aniyang duda na ang kasiglahan at kabutihan na ipinamamalas ng mga Muslim Filipinos sa okasyon na ito at maging sa nalalabi pang bahagi ng taon ang siyang magpapatibay pa ng sama-samang tagumpay na magagamit ng bawat isa tungo sa mas mahusay at maliwanag na bukas para sa lahat.

Sinabi ng Presidente na ang ganitong debosyon ng mga kapatid na Muslim sa kanilang paniniwala ang lalo pang magbibigay-ningning at magpapatatag sa samahang namamagitan sa mga pamilya, magkakaibigan, at maging sa komunidad.

Binigyang diin pa ng chief executive na kung bubuksan lamang at yayakapin ng bawat isa ang kanya- kanyang pagkakaiba ay doon aniya masusumpungan ang kasaganaan, mas maayos at mapayapang lipunan.

Matatandaang nauna nang idineklara ng Pangulong Marcos ang Hunyo 28 bilang nationwide holiday.

Ang Eid’l Adha, para sa mga kapatid nating Muslim, ay ang paggunita sa pagtalima ni Propeta Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak, batay na rin sa kautusan ng Diyos o Allah. (Gilbert Perdez)

The post MUSLIM COMMUNITY BINATI NI PBBM SA PAGDIRIWANG NG EID’L ADHA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MUSLIM COMMUNITY BINATI NI PBBM SA PAGDIRIWANG NG EIDL ADHA MUSLIM COMMUNITY BINATI NI PBBM SA PAGDIRIWANG NG EIDL ADHA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.