Facebook

2 Vietnamese na sangkot sa cryptocurrency scam, arestado ng BI

NAARESTO ng mga elemento ng Bureau of Immigration (BI) nitong July 17 ang dalawang Vietnamese nationals na umanoy sangkot sa cryptocurrency scam activities.

Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato ‘Jun’ Manahan, Jr. na ang dalawa ay kabilang sa mga naaresto ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Mayo sa Mabalacat, Pampanga.

Sinasabi na sila ay nagtatrabaho sa isang crypto scam hub kasama ang mga empleyado na biktima ng trafficking, ayon sa PNP-ACG.

Ang dalawa ay kinilalang sina Phan Thi Lien, 27 at Nguyen Sanh Huy, 28.

Sila ay kabilang sa immigration deportation case na may petsang July 10.

“Cases were previously filed against them, but their physical custody remains with the arresting agency,” sabi ni Tansingco.

“We were surprised to find them in our office, inquiring about the status of their case,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Tansingco na ang mission order ay agad na inilabas upang maaresto ang mga ito. Ang dalawa ay dinala sa pasilidad ng BI sa Taguig habang hinihintay ang deportasyon ng mga ito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post 2 Vietnamese na sangkot sa cryptocurrency scam, arestado ng BI appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Vietnamese na sangkot sa cryptocurrency scam, arestado ng BI 2 Vietnamese na sangkot sa cryptocurrency scam, arestado ng BI Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.