Facebook

LARUAN SI DUTERTE

LUBHANG mahirap ang sitwasyon ni Rodrigo Duterte. Kahit saan siya pumalaot, pinaglaruan siya. Hindi pa lumabas ang desisyon ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC), tumakbo na siya sa Peking. Hinarap siya ni Xi Jinping, ngunit ipinambala siya sa kanyon sa pakikipagtunggali ng China sa Estados Unidos. Alam ni Xi na wala na sa poder si Duterte at walang silbi sa interes ng China. Pinaglaruan para hindi masabi na walang utang na loob ang China sa mga alipin nila.

Ngayon, si BBM ang naglaro sa kanya. Sinabi ni BBM na katapusan na ang desisyon ng ICC na ituloy ang formal investigation kay Duterte. Hindi na muling nakikipag-usap ang gobyerno ng Filipinas sa ICC. Totoong hindi na makikipag-usap ang gobyerno ni BBM sa ICC. Wala na itong matwid o katwiran para makipag-usap. Nagdesisyon na ang ICC sa pinakahuling apela ng Filipinas. Hindi na ito muling makakapag-apela. Wala ng hadlang para ituloy ng ICC ang naantalang formal investigation.

Sinabi ni BBM na hindi makikipagtulungan sa ICC ang BBM administrasyon sa imbestigasyon sa mga EJKs sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga ng administrasyong Duterte. Wala siyang ibinabang executive order o memorandum circular sa mga ahensya upang ipatupad ang kanyang utos. Hindi malinaw kung policy desisyon o political statement na maaaring magbago depende sa hihip ng hangin. Mukhang pinaglaruan ni BBM si Duterte. Pinaasa sa wala.

Samantala, nananatili ang 2021 desisyon ng Korte Suprema na nagsabing hindi tatalikuran ng gobyerno ng Filipinas ang mga tungkulin at obligasyon noong kasaping bansa pa ang Filipinas sa Rome Statute mula nang sumapi ito sa Rome Statute noong 2011 hanggang tumiwalag ito noong 2019. Ang Rome Statute ang tratado ng maraming bansa na bumubuo sa ICC. Sa maikli, walang pahayag si BBM na pabor Kay Duterte pagdating sa isyu ng sakdal na crimes against humanity na isinampa laban sa dating pangulo.

Sa tingin namin, inaaliw ni BBM si Duterte upang manatili sa bansa. Alam ni BBM na wala ng silbi si Duterte dahil wala na ito sa poder at nasa kanyang kamay ang poder na nagdidikta sa kapalaran ng huli. Ngunit magagamit niya si Duterte upang palakasin ang kanyang kapit sa poder. Kapag nag-alok ng biyaya ang mga maunlad na bansa kapalit ng ulo ni Duterte, madali niya itong ibibigay kung nandito sa bansa ang lider ng Davao City.

***

POST ko ang sumusunod sa social media kahapon. Nilinaw nito na mayroon tayong obligasyon sa Rome Statute kahit tumiwalag ang Filipinas noong 2019. Pakibasa:

The following contains Article 127 of the Rome Statute, the multilateral treaty that creates the International Criminal Court (ICC). It only goes to show that the treaty obligations of the Philippines do not end by the withdrawal of the Philippines from the Rome Statute. The necessity to follow and enforce out treaty obligations has been recognized by the Supreme Court in the landmark 2021 decision on the Pangilinan v Cayetano case.

The landmark decision says that although the withdrawal of the Philippines from the ICC, a move which Rodrigo Duterte unilaterally pursued, is constitutional, it does not extinguish the Philippines from following its treaty obligations, when it was a member-state to the Rome Statute. Don’t believe charlatans like Boying Remulla and some minor DoJ functionaries, who keep on peddling the canard that the Philippines has no more obligations to the Rome Statute after its 2019 withdrawal. It is not true. Don’t believe purveyors of fake news like Francis Tolentino, Bong Revilla, Robin Padilla, and others. They are illiterates and don’t know what they are saying

Article 127
Withdrawal

1. A State Party may, by written notification addressed to the Secretary-General of the United Nations, withdraw from this Statute. The withdrawal shall take effect one year after the date of receipt of the notification, unless the notification specifies a later date.

2. A State shall not be discharged, by reason of its withdrawal, from the obligations arising from this Statute while it was a Party to the Statute, including any financial obligations which may have accrued. Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawal became effective.

***

NOONG Sabado, mayroon isang DoJ undersecretary nagmagaling na may malaking pagbabago sa pananaw ng ICC kahit na natalo ang gobyerno ng Filipinas sa apela nito tungkol sa formal imbestigasyon ng ICC. Natalo ang Filipinas sa botohan -2. Tatlong huwes ang pumanig na ituloy ang formal investigation at dalawa ang tumutol. Ipinagmamalaki ng DoJ usec na kahit ang presiding juudge ng ICC ay kumampi s posisyon ng Filipinas.

Hindi ako nakatiis at tumayo ang inyong lingkod sa forum upang ipamukha sa DoJ usec na kahit ano pa sabihin niya sa forum, ang totoo ay natalo ang gobyerno sa apela. “Kahit 5-0, 4-1, o 3-2, talo pa rin tayo,” ito ang aking sinabi. Hindi ko na dinugtungan ang aking tinra pero maganda na maunawaan ng DoJ usec na kahit ano pa ang sabihin niya, isang boto lang ng presiding judge ng Appeals Chamber. May limang huwes na may tig-iisang boto ang Appeals Chamber. Hindi na kailangan banggitin ang pangalan ng DoJ usec dahil sisikat lang siya ng walang dahilan.

***

May malaking kabalbalan na sinasabi si Francisco Tolentino tungkol sa pagtakbo ni Duterte sa Peking noong isang linggo. Nakakatulong umano sa kapayapaan sa rehiyon ang pagbisita niya sa Peking, ani Francis. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya. Narito ang aking sinabi sa isang post sa social media.

This garbage senator (basurang senador) should never be trusted. In 2019, he delivered his first privilege speech, asking the Senate “to ratify” (actually, it’s the Executive which has the power to ratify treaties and the Senate could only concur to what has been ratified) the verbal agreement between Duterte and Xi. Senate Minority Leader Franklin Drilon asked him about the verbal agreement and Francisco Tolentino could not produce anything. “Just trust Duterte,” he finally said. Niloloko tayo ng gagong ito. Lately, he expressed support for the U.S. re-pivot of its foreign policy, i.e. to go back to East Asia. Balimbing din siya.

***

MGA PILING SALITA: “Lord, what have we done as a people to deserve a punishment so severe? Giving us politicians like Junior, Sara, Robin, Bato, Revilla, Go, Remulla, Romualdez, Pandak, Tulfo, Cayetano, Poe to lead us? Maawa ka naman Lord” – Mac Zamora, netizen, kritiko

“Ipinamimigay na nga ang ating mga teritoryo, pinapayagan pang mag-labas-masok lang sa Pilipinas ang mga eroplanong militar ng Tsino na hindi malinaw ang motibo at mukhang si Duterte lang ang nagbibigay ng permiso.” – Leila de Lima, bilanggong pulitikal

“Because he has nothing to show…pray, tell, since when does killing people become an accomplishment?” – Val Villanueva, netizen

“Mga karamdaman ni Bato atm: May makulit na paru-paro sa sikmura, balisa, sleepless nights, na pra-praning, natatae, naduduwal na parang buntis, maputla at pinagpapawisan na amoy sukang Paombong.” – Netizen Noel

The post LARUAN SI DUTERTE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LARUAN SI DUTERTE LARUAN SI DUTERTE Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.