NAISUMITE na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Office of the President (OP) ang P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) para sa 2024, isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang NEP ay personal na tinanggap ng Presidente bago ito tumulak patungong Malaysia para sa tatlong araw na state visit.
“We will present this to Congress, we will defend the President’s budget as much as we can. Our [national] budget is a budget that is responsive to the pressing issues that we have now. At ito pong budget na to ay magsasabi na meron po tayong Bagong Pilipinas,” wika ni Pangandaman.
Ang National Expenditure Program ay ang proposed budget ng Presidente na isusumite sa Kongreso kung saan nakapaloob dito ang mga nakaplanong government expenditure sa susunod na taon.
Nakalagay din dito kung magkano ang dapat ilaang pondo para sa iba’t ibang programa at inisyatibo ng pamahalaan.
Kumpara sa kasalukuyang taon na nasa P5.268 trillion appropriations, mas mataas ng 9.5 percent projected budget para sa 2024.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang national budget ay dapat naisumite na sa Kongreso 30 araw pagkatapos ng SONA ng Pangulo. (Gilbert Perdez)
The post 2024 NAT’L EXPENDITURE PROGRAM NAISUMITE NA SA MALAKANYANG appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: