Facebook

Mambabatas, hinimok ni PBBM na ipasa ang bagong immigration law

HINIMOK ni President Ferdinand ‘Bong-Bong’ Marcos, Jr. ang mga mambabatas na ipasa ang Immigration Modernization Act, bilang kapalit ng 82-anyos na immigration law.

Pinasalamatan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco si President Marcos sa pagbibigay prayoridad sa panukalang batas.

Sa kanyang ikalawang State of the Nation addressed nitong Lunes, muling iginiit ni President Marcos ang pangangailangan na maipasa ang mga bagong batas upang palakasin ang nation-building.

Umapela si President Marcos sa Kongreso na suportahan ang mabilisang pagpasa ng ilang panukalang batas kabilang na ang excise tax on single use plastics, military and uniformed personnel’s pension, amendment of the anti-agricultural smuggling act, new government procurement law, Tatak Pinoy law, and ease of paying taxes.

Kabilang sa mga binanggit ni President Marcos ay ang Philippine Immigration Act.

Taos pusong nagpahayag ng pasasalamat si Tansingco sa Pangulo sa pagkilala ng kahalagahan updated immigration law sa pag-unlad ng bansa.

Binigyang-diin niya na ang ilang mga probisyon ng outdated Philippine Immigration Act of 1940 ay wala ng halaga sa makabagong panahon, kaya naman ang paggawa ng bagong batas ay isang tagumpay para sa administrasyon.

Ang panukalang batas na layuning gawing makabago at palakasin ang kakayahan ng Bureau of Immigration (BI), ay naging matagumpay sa House of Representatives nitong May 29, at tamang-tama sa State of the Nation Address o SONA ni President Marcos.

Ang bagong batas, na tinawag bilang priority bill, ay inaasahang magpapabago sa travel experience at mas pahihigpitin ang border security.

“The passage of the new law is another step forward towards the President’s vision of Bagong Pilipinas,” sabi ni Tansingco.

Ang panukalang modernisasyon naman ay magbibigay ng awtorisasyon sa BI na magamit ang kita ng ahensya sa pagkakaroon ng advanced tools at technologies. Episyente at epektibo ding makakapag-operate ang BI sa pagtupad ng kanilang papel sa seguridad ng bansa.

Sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura at paggamit ng state-of-the-art systems, ang ahensya ay mas may kakayahan matukoy at mapigilan ang mga iligal na gawain, tulad ng human trafficking, illegal cross-border operations, at iba pang banta na may kaugnayan sa borders.

“The new law could not have come at a better time. This milestone legislation reflects the commitment of the Marcos administration to fortify our national security and combat illegal activities,” dagdag pa nito.

Ang nasabing batas ay nakatakdang sumailalim sa review ng Senate. Kapag tuluyan ng lumusot ang bagong batas, mapapalitan na nito ang 82-anyos na Philippine immigration act ng BI. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post Mambabatas, hinimok ni PBBM na ipasa ang bagong immigration law appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mambabatas, hinimok ni PBBM na ipasa ang bagong immigration law Mambabatas, hinimok ni PBBM na ipasa ang bagong immigration law Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.