Facebook

ANTI-VENDING CHIEF SA PLAZA MIRANDA, DINEDEDMA LANG ANG MEDIA

Dinededma lang umano ng anti-vending chief ng Plaza Miranda ang media ke diyaryo pa, broadcast at social media man siya.

Tinatawanan lang daw ni Plaza Miranda anti-vending chief Chairman Bunny ang lahat ng batikos sa kanya dahil umano malakas ang kanyang kapit at koneksiyon.

Hindi daw umano itong pwedeng pabayaan ng anyang pinagmamalaking backer at kanyang endorser na nag-lagay sa kanya sa nasabing posisyon simula’t-sapul.

Ayon sa mga vendor, limang taon mahigit na daw itong si Chairman Bunny bilang Plaza Miranda anti-vending chief mula pa ng manalo si Yorme Isko Moreno bilang Alkalde ng Maynila.

Sinabi nila na ito ring si Yorme ang nagtalaga kay Chairman Bunny bilang anti-vending chief ng Plaza Miranda dahil ito ay isa sa mga trusted man niya.

Bagama’t hindi na si Yorme ang Alkalde, pinapalagay nilang ito pa rin ang backer at endorser nito kay incumvent Mayor Honey Lacuna na sa tingin daw nila ay malaki ang utang na loob sa una kung kaya’t ito ay hindi pwedeng tanggihan at hindian.

Hindi naman daw masama ang tumanaw ng utang na loob nguni’t sa situwasyon ni Chairman Bunny ay tila sobra na at sapat-sapat na daw ang limang taong mahigit bilang anti-vending chief.

Mas marami daw siguro ang karapat-dapat at kailangang bigyan ng tsansang humawak ng pwesto ni Chairman Bunny sa bagong administrasyon ni Mayora Lacuna.

Wala naman daw kasing nagiging pag-babago sa liderato ni Chairman bagkus ay lalo lang silang nahihirapan sa patakaran at laki ng tarang hinihingi sa kanila nito sa kasalukuyan.

Sa halip na umasenso daw sila at kumita ng maski papaano ay lalo pa daw silang nalulubog sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Siguro naman anila ay kumita na sila sa amin sa loob ng limang taon at panahon na rin siguro para kami ay pabawiin naman. Eh ang hirap ay wala kaming kabawi-bawi, lalo pang tumataas ang tarang hini-hingi sa amin, dagdag nila.

Ayon sa mga vendor ay may balita daw sila na isang kolektor nito na alias “Lemboy” ang pinupuhunanan nito para ilabang Chairman sa nasabing lugar sa botohan sa Oktubre.

Malakas daw ang kutob nila na kung kaya’t tumataas ang kanilang tara ay para gamitin ito sa kandidatura ni Lemboy sa nalalapit na eleksiyon.

Pinapalakas daw nitong si Bunny ang makinarya nitong si Lemboy na siyang magiging panlaban niya bilang Chairman sa Plaza Miranda.

Kung saka-sakali daw ay panibagong pagtanaw na naman ng utang na loob ito dahil siya nga ang namuhunan. Ang masama pa nito ay baka siya pa rin ang magdala ng martsa at maging symbolic figure lang ang dating kolektor niyang si Lemboy kung sakaling ito ay magwagi.

Sinabi rin ng mga vendor na itong si Bunny ay isang Chairman sa Sampaloc at hindi lehitimong chairman sa Plaza Miranda. Panahon na rin daw upang siya ay manilbihan sa sarili niyang barangay.

Malakas din anila ang antisipasyon nitong si Chairman Bunny dahil kung sakali mang makalusot ang bata niya ay parang siya pa rin ang nakaupo at mag-dadala ng kumpas at martsa.

The post ANTI-VENDING CHIEF SA PLAZA MIRANDA, DINEDEDMA LANG ANG MEDIA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ANTI-VENDING CHIEF SA PLAZA MIRANDA, DINEDEDMA LANG ANG MEDIA ANTI-VENDING CHIEF SA PLAZA MIRANDA, DINEDEDMA LANG ANG MEDIA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.