DEKADA nang pumapailanlang ang pangalan ng mga Remulla sa Cavite, lalo na pagdating sa larangan ng pulitika. Ang naipundar na magandang imahe ng mga Remulla ay nagsimula pa sa kanilang mga ninuno na lalo pang pinatingkad ang ningning ng yumaong ex-Gov. Crispin Remulla.
Kaya nang mag-umpisang dumagsa ang mga mensahe sa cellular phone ng inyong lingkod bukod pa sa ilang mga tawag sa ating telepono tungkol sa panggagamit sa pangalan ni Cavite Gov. Junvic Remulla ng isang alyas Joji sa bayan ng Mendez at iba pang kanugnog na munisipalidad ay di natin mapigilang mag-alala.
Minarapat ng inyong lingkod na kontakin ang mapitagang gobernador para hingian ng komento hinggil sa parang apoy na balitang ang pangalan ng gobernador ay mistulang pasaporteng ginagamit ng ilang mga ilegalista, mapagsamantala at tusong mga tao tulad nina alyas Joji na ang pakilala ay malapit na alyado sa pulitika ng mga Remulla upang pagkakitaan.
Masama at may imbing motibo ang mga naturang personalidad pagkat kinakaladkad ang pangalan ng gobernador sa pagpapa-operate ng saklaan sa maraming mga lugar sa 24 na barangay ni Mendez Municipal Mayor Francisco T. Mendoza Jr., at ito ngang si alyas Joji ang itinuturong responsible sa mga kabulastugan sa naturang bayan.
Mantakin nyo namang nagpalatag pala ng mga sakla den ang damuhong sina Joji at ang isang ex-Sgt.Sevilla sa mga hayag na lugar ng nasabing bayan at kahit pa lantad na lantad ang mga pinagkukumpulang saklaan ay hindi naman kinakante nina Mendez Police Chief Capt. Norman C. Catsao?
Unang-unang prente o front ng pasakla nina Joji ay ang nakaburol na patay sa Mendez na wala o kulang ang gastusin para sa pambayad sa kabaong at iba pang kagastusan sa pagpapalibing.
Ngunit nadiskubre ng ating KASIKRETA na binibigyan lamang pala ng tusong sakla operator ng halagang Php 1,000 kada gabi ang pamilya ng namatayan at ang libu-libong kinikita doon ay sa bulsa nila (Joji) at sa ilang protektor nitong police napupunta hanggang sa iba pang PNP official sa Provincial Headquarter.
Bukod sa mga puwestuhan ng sakla sa burol ng patay ay marami pang pasakla sina Joji sa ibat ibang pook sa nasabing bayan. Ipinagyayabang ni Joji na may parating o hatag din sila sa ilang matataas na opisyal ng LGU ng Mendez.
Ang siste, may patay man o walang patay, may nakaburol man o walang nakaburol sa naturang bayan ay walang palya araw-araw at gabi-gabi, ulanin at arawin ang mga puwesto ng sakla nina Joji kung kaya’t buwesit na buwesit sa kanila ang mga taga Mendez. Salot nga ang turing sa kanila ng mga mamamayan.
Salot kung ituring ng mga ito sina Joji pagkat sa gabi pala ay nagpapabenta din ng shabu sa mga magsusugal sa saklaan ang mga katiwala ni Joji ngunit hindi naman mabulabog ni Capt. Catsao at maging ni Cavite PNP OIC PD Col. Christopher Olazo. Aba’y grabe na ito mga sir?
Hindi lamang sakla ang raket ni Joji pagkat sila din pala ang nagpapatakbo ng lotteng, EZ 2 at pick 3 bookies sa Mendez at mga kanugnog na bayan ng Magallanes, Alfonso, Maragondon, Baylen at iba pang mga munisipalidad. Walang bukambibig ang kanilang grupo kundi ang pangalan ni governor.
Maging ang notoryus na si alyas Sgt. Sevilla na kilala din sa alyas na Santiago at Tagoy ay sanggang dikit din kay Joji, Hero, Eric, Elwin Totoy at Mayor Minong na kilala din sa taguring Governor’s Squad.
Ito ang mahigpit ding dahilan kaya ang paniniwala ng mga taga Mendez at iba pang mga residente sa mga munisipalidad at siyudad sa Cavite ay baka may alam sa modus nina Joji sina Gov. at Col. Olazo?
Personal mente ay hindi naniniwala ang SIKRETA na kaalam si PD Olazo at si Gov. Remulla sa mga pinaggagagawa nina Joji, ex-Sgt. Sevilla aka Tagoy na noturyos ding illegal logger sa Padre Burgos, Quezon.
Si Tagoy ay lider ng hindi kukulangin sa 160 iligal na magtotroso at “magkakahoy” sa Bundok Peninsula at iba pang bahagi ng Quezon Province na patuloy na nakapagpapayaman habang nagdaranas naman ng kalupitan ng kalikasan ang mga taga Quezon.
Hindi lamang sina Gov. Remulla., PD Olazo ang dapat agarang umaksyon laban kina Joji at sa grupo ni Ex-Sgt. Sevilla aka Tagoy, kundi maging si PNP RD4-A PBGen. Carlito Gaces ay kailangangag “magpakita din ng tigas” sa mga ilegalistang ito.
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.
The post GOV. REMULLA, PASAPORTE NI JOJI SA MENDEZ AT IBA PANG PASUGALAN SA CAVITE? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: