Facebook

‘ASTA NG SIGA’

HINDI kami kumporme sa asal ng mga kababayan na hindi natutuwa sa pagkakaroon ng mga atletang may dugong Pinoy upang maglaro sa ilalim ng ating watawat at pambansang koponan. Walang sinasabi ang mga nagpapanggap na mga kritiko kung saan huhugutin ang mga atletang ipinanganak at lumaki sa Filipinas upang isabak sa mga pandaigdigang tournament.

Tama ang sinasabi ng mga tagamasid sa mga kaganapan sa bansa. Walang matinong programa sa palakasan ang bansa na maaaring paghugutan ng mga manlalarong Pinoy na ipinanganak at lumaki sa Filipinas. Kailangan umangkat ang bansa mula sa mga bansang kung saan may mga atletang dugong Pinoy na maaaring maglaro para sa pambansang koponan na isasabak sa mga pandaigdigan torneo.

Hindi gumastos ang bansa upang turuan ang mga atletang dugong Pinoy dahil produkto sila ng sports program ng ibang bansa kung saan sila ipinanganak at lumaki. Hindi humingi ng refund ang ibang bansa kahit naglaro sa Filipinas ang mga atletang may dugong Pinoy. Masaya lang na may koponan ang mga atleta. Pinili nila ang maglaro sa Filipinas at nagagalak silang maglaro para sa Filipinas.

Hindi namin naintindihan ang angas ng ibang kababayan na naghahanap ng mga homegrown talent. Nasaan sila, sino sila, at saan torneo sa daigdig sila isasabak? Anong credential nila para bumuo ng isang pambansang koponan? Sino ang mga sports leader na tumatangkilik sa kanila? At hanggang saan at kailan sila sa pambansang koponan?

Mayroon tayong mga sports association at mga sports leader na ang pangunahing tungkulin ay humanap at tangkilikin ang mga manlalarong may ilalabas sa pandaigdigang torneo. Sila ang mga panabak sa SEA Games, Asian Games, Olympics at iba pang pandaigdigan na paligsahan. Sa kasamaang palad, hindi nangyayari ang kanilang pakay.

Hindi sila nakapulot ng mga atletang may kakayahan upang sumabak sa pandaigdigang torneo. Sa ibang bansa sila humahanap ng atletang dugong Pinoy upang kumatawan sa bansa sa mga torneo. Ito ang pinakamadali dahil kadalasan may kakayahan ang atletang dugong Pinoy upang sumabak sa mga paligsahan.

May mga atletang dugong Pinoy tayo sa swimming, track & field, at futbol na handang lumaban. Galing sila sa ibang bansa at produkto ng sports program doon. Pero kailangan mag-isip ang mga sports leader ng mga paraan upang dalhin ang palakasan sa laylayan ng lipunan pang tumuklas ng mga homegrown talent na panlaban.
*
KUMALAT ang mga larawan ni Gongdi sa social media, partikular sa X (dating Twitter). Sa mga larawan, kasama niya si Apollo Quiboloy, ang nagpapanggap na “anak ng Diyos” na nahaharap sa sakdal ng human trafficking at dollar smuggling sa Estados Unidos. Tulad ng dati, astang siga si Gongdi sa mga larawan.

Nagpapanggap na hindi nababagabag sa desisyon ng International Criminal Court (ICC) na ituloy ang formal investigation sa kanya at mga kasabwat kaugnay sa madugo ngunit bigong giyera kontra droga. Hanggang ngayon, hindi naglalabas si Bongbong Marcos ng anuman order na pipigil sa pagpasok sa bansa ng mga imbestigador ng ICC.

Sa usapang kalye, batid namin na nangangatog ang tuhod ni Gongdi at pinagpapawisan ang bayag sa desisyon ng ICC. Si Harry Roque na lang ang kakampi niya. Ngunit walang kredibilidad si Harry kahit sa sirkulo ng mga abogado. Pinagtatawanan at nilibak si Harry dahil hindi naman siya seryoso sa pagbibigay ng tamang payo. Palaging mali ang sinasabi sa kliyente.

***

Isa sa mga makulit at kinamumuhian na karakter si Alan Peter Cayetano. Bilang pagkampi sa Tsina na parehong sinasamba ni Gongdi at Alan, ipinagpipilitan niya na hindi dapat dalhin ang reklamo ng Filipinas sa United Nationas General Assembly kahit na kamkamin ang kabuuan ng West Philippine Sea ng kanilang iniidolo na Tsina.

Walang sinasabi si Alan na mali ang Tsina sa ginagawang pangangamkam ng ating teritoryo. Basta huwag dadalhin sa UNGA ang anumang reklamo. Gusto niya ay usapang bilateral, o sa pagitan ng dalawang bansa. Kung aso ng Tsina si Gongdi, pulgas si Alan Peter Cayetano sa pananaw ng mga kontra Tsina.

Ani Leila de Lima: “Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, dapat daw pag-isipan o pag-aralan pa nang husto ang usapin tungkol sa pagdulog sa UNGA laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa WPS. Anong pag-iisip o pag-aaral ang dapat gawin sa gitna ng pambabalasubas sa atin ng China?” Teka nga pala, si Alan ang spokesman ng Tsina sa Filipinas. Hindi siya dapat sineseryoso o pinapakinggan kahit katiting.

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “They are athletes of Filipino descent. They are born and raised elsewhere. This is not their choice. Accidents of birth don’t involve much choice. It’s not their fault. They’ve chosen to play their sports. They’ve chosen to represent the Philippines. Shall we fault them for their choice? No. Not in any way. We rejoice when they’re victorious, but we comfort them when they lose. In victory and in loss, we join them. That’s competition and we understand it. Whatever happens, we embrace them, we hug them, we kiss them, and altogether we shout ‘Mabuhay!’” – PL, netizen

“The presence of half-Pinoy athletes playing for the Philippine flag is something we have to live with for the next unspecified number of years. We must be thankful because we hardly have decent sports programs here to develop homegrown talents. Where’s the moolah to spend for their development? Your guess is as good as mine. The fact is that these foreign-based half-Pinoy athletes have learned, grew, and developed their sports skills and talents under the tutelage of the sports mentors and sports programs of other countries. Their choice to play for us should be make us happy. We’re reaping glory for something we didn’t spent. Nobody has the moral right to say a lot of things against them. You must be out of your mind.” – PL, netizen

“Many people hardly have an understanding of the national budget. Well, the national budget is the compendium – or summary – of our national policies. The national budget contains all major policies. We spend the biggest on education because it is our national policy to educate our people, especially the youth. We spend big amounts for health care because it’s our national policy to promote the health of our people. The increases and decreases in the budget of certain areas and issues indicate our priorities or increases and decreases of their importance in our public life. Budgetary insertions could mean virtual amendments of existing public policies. Hence, we have to keep a keen eye on the national budget. It is not an ordinary piece of legislation. It does not a mere list of state expenditures… It goes beyond the list of state expenses. Public policy is most important.” – BI, netizen

“Human trafficking is slavery. It preys on the weak & needy, & disrespects the value & dignity of human beings as children of God.”- Risa Hontiveros on human trafficking

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post ‘ASTA NG SIGA’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘ASTA NG SIGA’ ‘ASTA NG SIGA’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.