Facebook

BULAG SINA GOV. HERNANDEZ AT COL. DEPOSITAR SA PAIHI NI ADOR, SMUGGLING AT VICES!

KUNG seseryosuhin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na giyera laban sa talamak na smuggling, ay tiyak na may kalalagyan ang maraming police official na “patong” sa iligal na aktibidades na napakatagal nang problema ng bansa.

Ang pagpupuslit ng mga highly taxable item tulad ng petrolyo at agricultural product ay hindi magiging talamak kung ginagawa ng mga awtoridad gaya ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Navy (PN), Coasguard (CG) iba pang port official, National Bureau of Investigation (NBI) at PNP ang kanilang trabaho – ang hulihin at kasuhan ang mga nasa likod nito, kasama na ang mga protector na government official.

Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo 25 ay galit na babala nito: “bilang na ang araw ng mga smuggler”, kaya kung may pagpapahalaga si PDG Acorda Jr. sa pahayag na ito ng Presidente ay dapat pakilusin na nito ang malaking pwersa ng PNP laban sa smuggling.

Ang petroleum smuggling tulad ng diesel, gasoline, gaas at liquified petroleum gas (LPG) ay lantaran ang pamamayagpag sa Region 4-A, partikular sa Laguna na ang paihian, pasingawan, patulo o buriki ay nagkalat sa maraming lugar sa mga siyudad at bayan na siyang nagiging imbakan ng mga ipinuslit na kontrabando papasok ng bansa?

Isa sa pinaka-malaking kuta ng paihi o buriki gang ay matatagpuan sa Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna na pinatatakbo ng isang Ador at may mga iba pang paihian sa mga kanugnog na lalawigan sa CALABARZON area.

Ipinupuslit ang smuggled petroleum product lulan ng mga local vessel patungong Batangas City Pier mula sa lalawigan ng Masbate at ang mga smuggled agricultural product tulad ng asukal, sibuyas at bigas ay dinidiskarga naman sa mga pantalan at maging tagong dalampasigan sa nasabi ding lalawigan ng malalaking local at foreign registered vessel?

Mula Batangas City Pier hinahakot ang mga puslit na produktong petrolyo sa paihian nina Ador sa tabi lamang ng Yakult Philippines sa Brgy. Makiling, Calamba City sa lalawigan ng Laguna ngunit ang nakapagtataka’y tila walang alam o dinededma lang ng alkalde ng Calamba City at ni Police Chief LtCol. Milany E. Martirez. Sina Ador din ang namimili ng mga nakaw na krudo, gasoline, gaas, LPG at feeds sa mga tanker, capsule at cargo truck driver na pinagnanakawan ang kanilang trucking firms.

“Gatasang baka” naman si Ador ng ilang opisyales at miyembro ng Calamba City Police, Laguna Provincial Police Office at PNP Highway Patrol Group (PNP/HPG) at maging ng ilang CIDG units at Camp Crame PNP Headquarter.

Protektor din ni Ador ang kinatatakutang grupo ng mga kriminal at extortionist na “Nofrada Gang” na nagmamantine pa ng iligal na paradahan (illegal parking) ng malalaking behikulo lalo na ang mga cargo truck sa kahabaan ng Brgy. Makiling Highway?

Mula sa Php 1,000- Php 2,000 kada araw bilang protection money sa Nofrada Gang, ang mga driver ng 16-wheeler truck at higit pang malalaking cargo truck pati na ang mga tsuper ng mga tanker at capsule truck ay maaring gamiting parking area sa loob ng kahit kalahating taon o higit pa ang Brgy. Makiling highway, kahit na lubhang mapanganib ito sa mga naglalakbay na motorista.

Ngunit wari’y walang malay sa mga kabalbalang nagaganap doon si Lady Acting City Police Chief LtCol. Martirez. Pero kung sinisisi ng apektadong mamayan si LtCol. Martirez, higit na dapat marahil na sisihin sa untouchable na operasyon ng sindikato ng paihi na kilala ding paawas sina Laguna Gov. Ramil Hernandez at OIC PNP Provincial Director Col. Harold Depositar?

Bilang pinakamataas na lider ng kapitolyo ng Laguna, si Gov. Hernandez at si Col. Depositar bilang top cop ng lalawigan ay kapwa tatamaan sa “Principle of Command Responsibility”.

Napakatagal na ng paihi operation ni Ador sa Calamba City pero milyong kwestiyon ang pagbubulag-bulagan nina Gov. Hernandez at Col. Depositar.

Imposible naman yatang naililigaw pa ang matalinong Colonel ng kanyang intelligence officer, iba pang staff sa Laguna PNPO at maging ni LtCol. Martirez tungkol sa operasyon ng paihian ni Ador na iniuulat pa ng ating mga KASIKRETA na pinakikinabangan din ng ilang opisyales ng City Local Government Unit (LGU).

Ratsada din ang operasyon ng iligal na pasugal ng 25 STL con-jueteng o bookies operator sa buong lalawigan ng Laguna, lalo na sa mga siyudad ng San Pablo, Calamba, Binan, Sta Rosa, San Pedro, Cabuyao at ibat ibang mga bayan ng nabanggit na probinsya. Ilan lamang sa mga naturang STL bookies maintainer ay sina Tose, Tita, Osel, Sherwin, Barreto, Mayang, Timmy, Jason Angke, Orlan, Nico, Vener, Gil, Pinky at iba.

Nag-ooperate din ang sangkaterbang saklaan at pergalan (perya at sugalan) maging sa Binan City Public Market at iba pang siyudad at bayan hanggang sa mga kanayunan o barangay ng Laguna, ngunit tila nganga, walang alam din dito sina Gov. Hernandez at Col. Depositar?

Kung sasawatain lamang ni Col. Depositar at ng kanyang mga police chief ang paihi o buriki operation pati na ang gambling at iba pang iligal ay kusang mamamatay ang operasyon ng kailigalang ito sa Laguna at taas-noong makakaharap si PDG Acorda Jr. kay PBBM.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post BULAG SINA GOV. HERNANDEZ AT COL. DEPOSITAR SA PAIHI NI ADOR, SMUGGLING AT VICES! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BULAG SINA GOV. HERNANDEZ AT COL. DEPOSITAR SA PAIHI NI ADOR, SMUGGLING AT VICES! BULAG SINA GOV. HERNANDEZ AT COL. DEPOSITAR SA PAIHI NI ADOR, SMUGGLING AT VICES! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.