PINAALALAHANAN ng pamunuan ng ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga local government units na maaari nilang gamitin ang mga natatanggap nilang pondo mula sa ahensya para sa pangangailangan sa nutrisyon ng kanilang mga nasasakupan kasabay ng paggunita ng bansa nang National Nutrition Month.
“We are one with the nation in commemorating National Nutrition Month. I would like to take this occasion to remind our LGUs that they may also use their PCSO shares for their nutrition programs,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.
“I hope that these shares will help our LGUs implement their policies for children’s nutrition,” dagdag pa ng opisyal.
Nabatid na nakatanggap ang mga LGU ng halos P1 bilyon na bahagi mula sa mga nalikom sa lotto at small town lottery (STL). Ang lotto shares ay nagkakahalaga ng P395,224,629, habang ang STL shares ay nagkakahalaga ng P552,948,639 para sa kabuuang P948,173,268.
Sinabi ni Cua na ang PCSO ay may mandato na ibahagi ang lotto at STL proceeds sa mga LGU, kung saan ang mga lungsod at munisipalidad ay tumatanggap ng limang porsyento habang ang mga lalawigan naman ay tumatanggap ng 2 porsyento.
Ito ay batay sa Executive Order No. 357-A na nag-aatas na ang mga LGU ay makatatanggap ng kanilang bahagi mula sa Charity Fund, at sa 2020 STL Revised Implementing Rules and Regulations.
Ayon kay Cua, ang mga bahaging ito ay maaaring gamitin para sa malakihang bilang ng mga pangangailangang pangkalusugan at medikal, kabilang ang mga medikal/dental na misyon; donasyon ng gamot; tulong sa pagpapaospital; pagkuha ng mga medikal na suplay/kagamitan; o programa sa pagpapakain ng gatas/nutrisyon.
Nanawagan naman si Cua sa mga LGU na unahin ang kanilang milk feeding/nutrition programs, bilang tugon sa natuklasan ng National Nutrition Council (NNC) na humigit-kumulang 35 porsiyento o apat sa 10 pamilyang Pilipino sa bansa ang hindi na kumain ng malusog at masustansyang pagkain.
“Dagdag pa rito, ayon sa United Nations Children’s Fund (Unicef), 95 batang Pinoy ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon, habang 27 sa bawat 1,000 bata ang hindi na lumalagpas sa kanilang 5th birthday. At ayon naman sa World Bank, isa sa bawat tatlong batang Pinoy edad 5 taon pababa ang stunted o bansot,” ani Cua.
Samantala, ayon kay Cua, sinabi ng World Bank na patuloy ang undernutrition at isa sa bawat tatlong batang Pilipinong wala pang 5 taong gulang ang dumaranas ng stunting.
Sinabi rin ni Cua na isang espesyal na sweepstakes draw para sa benepisyo ng Nutrition Foundation of the Philippines ang gaganapin sa Hulyo 15.
The post LGU’s MAAARING GAMITIN ANG KANILANG “SHARES” SA NUTRITION PROGRAMS – PCSO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: