Facebook

NASAAN SI DUTERTE?

AYON kay Bong Go, ang kanyang matapat na alalay, umuwi na si Rodrigo Duterte mula Peking bago magdiskurso si BBM sa kanyang SONA. Napagod mula sa kanyang biglang biyahe sa China kaya nagpahinga at hindi dumalo sa SONA. Tanging si Bong Go ang nakakaalam kung nasaan talaga si Duterte. Walang opisyal na pahayag ang dating pangulo.

Gustong gusto ni Duterte na pinag-uusapan siya. Masakit na kanya kung maiintindihan niya na hindi na siya pinapansin at pinag-uusapan. Hindi na siya ang pangulo at walang matwid upang pag-usapan ang isang dating pangulo. Dahil wala masyadong nagawa ang kanyang gobyerno para sa bansa, hindi makatwiran na pag-usapan pa siya hanggang ngayon.

Nais ni Duterte na manatili siya sa mata ng mga tao lalo na sa kanyang siyudad sa Davao City. Ito ang kanyang paraan upang magtagumpay at makakuha ng suporta kung sakaling tatawag siya ng people power sa kanyang pagtutol na sumailalim sa proseso ng International Criminal Court kung saan nahaharap siya sa sakdal na crimes against humanity.

Hindi namin batid kung susuportahan siya ng mga mamamayan ng Davao City at bibigyan ng proteksyon laban sa anumang puwersa na aaresto sa kanya kaugnay sa formal investigation sa kanya ng ICC. Ngunit napansin ni Duterte na matamlay ang mga mamamayan ng Davao City sa ganyang pagkilos. Hindi sila sanay sa ganyang pagkilos hindi tulad ng mga tao sa Metro Manila.

Isa sa kanyang paraan upang makaiwas ay ang pagpunta niya sa China sa sandaling dumating ang oras na dakpin siya ng mga taga-ICC. Hihingi si Duterte kay X Jinping ng political asylum upang kanlungin siya. Duwag si Duterte. Takot makulong. Matapang lang siya sa mga mahihina at walang lakas at poder. Hindi lumalaban si Duterte ng patas.

Hindi nagtitiwala si Duterte kay BBM. Bagaman kaalyado ni Duterte si BBM, hindi nagbaba ng anuman order si BBM upang pigilin ang mga taga-ICC sa kanilang napipintong imbestigasyon kay Duterte at mga kasapakat kaugnay sa labis na madugo pero bigong digmaan kontra droga. Walang order sa DFA, DoJ, PNP, awtoridad sa immigration, paliparan, at daungan at iba pang ahensya upang pigilan ang pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa bansa.

Dahil walang tiwala si Duterte kay BBM, nanatiling bukas ang ibang alternatibo kung dakpin ng ICC si Duterte. Kasama na ang pagtakbo sa Peking at pagkilala sa mga bansa na hindi kasapi sa Rome Statute, and tratado na bumubuo sa ICC. Hindi susuko ng buhay si Duterte. Ganyan ang katwiran ng duwag at tumatakbo sa laban.

***

MISTULANG sinalo ni BBM si Sara. Natunugan ni BBM na hindi alam ni Sara ang edukasyon kahit sa hinagap. Hindi na niya hinihintay ang kalihim ng Deped upang magbitaw ng mga salita tungkol sa napabayaang sektor ng edukasyon. Si BBM na ang nagpahayag kung ano ang direksyon ng edukasyon.

Sa kanyang SONA, binanggit ni BBM na kailangan pagbutihin ang performance ng ating mga mag-aaral upang makahabol sa pamamayagpag ng mga mag-aaral ng karatig bansa lalo na sa larangan ng matematika, at agham at teknolohiya. Ito umano ang kailangan na makabagong daigdig.

Aniya: “We must do better in the international rankings especially when it comes to the so-called STEM subjects: Science, Technology, Engineering and Mathematics. These skills and this knowledge are necessary for our young people to be able to compete in a highly technological and competitive world. The raw talent is there in our young people. It is up to our educational system to develop and to refine that great pool of talent.”

Mukhang pinaringgan na ni BBM si Sara na kailangan ng kanyang administrasyon ng totoong edukador upang mamuno sa Deped. Hindi pwede na pulitiko ang nasa Deped at sa kaso ni Sara isa siyang local politician na walang muwang sa national politics. Tanging red tagging lang ang alam niya. Tanging apelyido lang ang puhunan niya sa pulitika.

***

POST ko ito upang malaman kung ano ang nangyayari sa larangan ng paggawa. Pakibasa:

WHAT NETIZENS DON’T KNOW

Netizens, particularly the employable millennials, may not know that those firms they are applying for work conduct quiet background checks on them before they get the jobs. Usually, business firms have personnel staff, who do and collate BIs (background information) on you. Part of the BIs are the posts netizens make on social media. The posts they put on their socmed accounts serve as indicators of their mental and psychological stability, intellectual capacity, nature and depth of their characters, and even tendencies.

Usually, firms, particularly the big ones, don’t hire prospective workers who have mental, moral, physical, and intellectual issues. They don’t like guys who have extremist views. They avoid people with fanatical inclination, particularly when it comes to politics and religion. They prefer people with a balanced and sunny disposition. In brief, middle of the road guys have better chances. Hence, avoid being loud and proud – or fanatical – on your posts. Avoid doing the deplorable fist salutes as if you’re a neo-Nazi. Remember that you would eventually pay for your bigotry and narrow-mindedness.

***

DARATING sa bansa ang pangulo ng European Commission na si Ursula von der Leyen. Ito ang kauna-unahang pagbisita ng pinakamataas na opisyal ng EU mula ng itatag ito anim na dekada na ang nakaraan. Hindi kami magtaka kung banggitin ni Leyen ang usapin ng karapatang pantao (human rights) kay BBM. Humaharap sa sakdal na crimes against humanity si Rodrigo Duterte at mga kasapakat sa International Criminal Court (ICC) .

Masigla ang kalakalan sa pagitan ng EU at Filipinas bago umupo si Duterte. Umabot sa halos $3 bilyon ang halaga ng mga damit (garments) ang taunang iniluluwas ng Filipinas sa mga bansang kasapi sa European Union. Itinigil ng EU ang pag-angkat dahil sa malawakang patayan at paglabag sa karapatang pantao noong panahon ni Duterte. Nagkibit-balikat lang si Duterte kahit kinuha ng Bangladesh at Cambodia ang garments exports ng bansa sa EU.

Hindi kami magtaka kung isa sa mga hihingin ang pagsasakripisyo kay Duterte upang madakip at dalhin siya The Hague upang managot sa mga bintang sa kanya kaugnay sa madugo ngunit bigong giyera kontra droga. Si PNoy ang kumilos upang sumigla ang kalakalan ng EU at Filipinas. Hindi lang kalakalan ang pakay ng pagbisita ni Leyen. May kalaliman. Manmanan.

***

MGA PILING SALITA: “Madalas kong sabihin kaninuman na kapag galing showbiz ang isang pulitiko, huwag magtitiwala. Kundi tiwali, mandarambong, at magnanakaw, mahina ang ulo at mahirap umunawa. Salat sa maraming bagay na kailangan ang kaunting talino. Hindi ba Erap, Jinggoy, Bong Revilla, Roderick Paulate, atbp? Maintindihan mo sana ito, Richard at Lucy, Lito, Robin, Yorme?” – PL, netizen

The post NASAAN SI DUTERTE? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NASAAN SI DUTERTE? NASAAN SI DUTERTE? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.