Facebook

Ok na raw ang isa… Katrina ayaw na muna pakasal at magkaanak

Ni JOVI LLOZA

HINDI itinanggi ni Katrina Halili nang sumalang ito sa Fast Talk na may bago itong bf na non-showbiz.
Katunayan nga raw ay BFF ito ni John Lloyd Cruz.
Sa ngayon ay desidido si Kat na di muna magpakasal at magkaroon ng anak.
Okey na sa kanya na tutukan at palakihin ang anak na si Katie na 8 years old na ngayon.
Bilib din ito sa maraming anak at saludo ito sa kanila na di na kayang pamarisan ni Kat.
Basta nga raw nagkakasundo ang kanyang anak at non-showbiz bf.
Pagbubuking pa ni Katrina na mas madalas nga raw kasama ni Katie ang bf niya as in bonding talaga sila.
Pero buo na ang pasya ni Kat na huwag na pakasal at magkaroon ng panibagong anak dahil siya mismo ay hirap.
Di naman itinanggi na enjoy na siya sa pag-aalaga sa kanyang anak at pag-aalaga sa kanya ng mga ibon.
***
LA Oro naglabas ng sama ng loob sa pagbalewala ni PBBM
TILA si PBBM ang pinatutungkulan ni La Oro or Elizabeth Oropesa sa kanyang FB Live kamakailan na naka post sa kanyang account.
Ang pagbalewala sa kanila na mga PRO ang ikinasama ng loob ni La Oro
Never daw sila binigyang pansin at tila malayo ang loob ni Sir, tawag nito for sure kay PBBM.
Di naman tinukoy kung anong pagbalewala sa kanilang pagiging Pro kay Sir.
Mangiyak ngiyak na naglabas ng kanyang damdamin ang aktres na maluha-luha.
Kilala naman si La Oro na solid at pro- Marcos kaya ganun na lang ang kanyang hinanakit na tila di na sila pansin.
Noon daw ay talagang ipinaglaban nila si Sir pero eto ngayon nakamit na ang tagumpay ay nadama nila na tila ayaw na anya sa kanila.
Well, well, well… ‘Yun na!

The post Ok na raw ang isa… Katrina ayaw na muna pakasal at magkaanak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ok na raw ang isa… Katrina ayaw na muna pakasal at magkaanak Ok na raw ang isa… Katrina ayaw na muna pakasal at magkaanak Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.