BINIGYAN-DIIN ni Sen. Bong Go ang suporta para sa pagpapaunlad ng lokal na imprastraktura at pangangalaga sa kalusugan sa kanyang pagbisita sa Tagum City, Davao del Norte Noong Hulyo 13, dumalo si Senador Christopher “Bong” Go sa inagurasyon ng bagong itinayong Sangguniang Panlalawigan Building sa Tagum City, Davao del Norte.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng lokal na imprastraktura upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko, at muling pinagtibay ang kanyang pangako sa pagpapabuti ng access sa pangangalagang pangkalusugan sa mga katutubo.
Go also expressed his gratitude to the people of Tagum City, saying, “sa totoo lang po, huwag po kayong magpasalamat sa amin. Kami po ay dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo. Maraming salamat po sa inyong lahat.”
Kaugnay nito pagkatapos ay kinilala niya ang pagsisikap ni Davao del Norte Governor Edwin Jubahib na kinakatawan ni Provincial Administrator Josie Jean Rabanoz, Vice Governor Oyo Uy, at Tagum City Mayor Rey Uy, na pinupuri ang mga pinunong ito sa kanilang hindi natitinag na pangako sa serbisyo publiko.
Samantala binigyang-diin din niya ang walang pag-iimbot na gawain ng mga unipormadong tauhan sa iba’t ibang institusyon, tulad ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection.
Sa parehong araw, dumalo rin si Go sa groundbreaking ng Super Health Center sa lungsod at tumulong sa mga mahihirap na residente.
Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health, binigyang diin ni Go ang kanyang suporta sa pagtatayo ng mga Super Health Center sa buong bansa. “Ang Super Health Center ay isang medium type ng polyclinic. Ito ay mas maliit kaysa sa ospital at mas malaki kaysa sa Rural Health Unit,” he said.
“Pwede diyan ang birthing, dental, laboratory, X-ray at pwede pang i-improve ni Mayor. Kung gusto niyang lagyan ng dialysis machine, pwede niyang i-expand,” he added.
Binanggit ni Go na nakatakdang magtayo ng Super Health Center sa lungsod, na tinukoy ng Department of Health. Bukod dito, ang mga Super Health Center ay itatayo sa Island Garden City ng Samal, Carmen, Talaingod, at dalawa pa sa Panabo City.
Sa pagkilala sa kahalagahan ng accessible at abot-kayang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, isinulong din ni Go ang mga serbisyo ng Malasakit Centers bilang one-stop shop para sa mga programang tulong medikal.
Kaugnay nito hinikayat ni Go ang mga benepisyaryo na samantalahin ang Malasakit Center sa Davao Regional Medical Center. Ang programa ng Malasakit Centers, na pinasimulan ni Go noong 2018, ay naglalayon na i-streamline ang proseso ng pag-avail ng tulong medikal sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa iisang bubong.
“Mayroon na tayong 158 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa ating mga kababayan. Kung hindi kayang operahan dito sa Tagum City, lapitan n’yo lang ang Malasakit Center sa SPMC (Southern Philippines Medical Center) sa Davao City,” Go shared.
Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.(Boy Celario)
The post Sen. Bong Go binigyan diin ang suporta sa local na imprastratura at pangangalaga sa kalusugan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: