Facebook

SMUGGLING, PAIHI AT ILLEGAL VICES SA R4-A, HAMON KAY PDG ACORDA JR.!

MARAHIL ay napuno na sanhi ng di mahinto-hintong operasyon ng smuggling kayat nagdeklara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng giyera laban sa mga indibidwal at grupo na nasa likod ng mga iligal na aktibidad na matagal nang nagpapahirap sa ekonomiya ng bansa.

“Bilang na ang araw ng mga smuggler” galit na sigaw ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na ginanap sa gusali ng House of Representative sa Quezon City noong Hulyo 25, 2023 na dinaluhan ng mga senador, kongresista, government official at foreign dignitaries.

Ang smuggling ng petroleum at agricultural product ay lantaran sa halos lahat na daungan sa buong bansa, partikular sa Port of Manila, Manila International Container Port, Subic, Davao, Cebu at Batangas dahil hindi totoong tumututok sa pagtatrabaho ang mga awtoridad gaya ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Port Authority (PPA), Philippine Navy (PN), Coastguard (CG), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Sa totoo lang, bukas na aklat ang pakikipagkutsabahan ng mga naturang ahensya ng pamahalaan at iba pang operating unit sa mga smuggler dahil sa milyones na payola na natatanggap, kaya sa kabila ng paulit-ulit na babala ng mga naging presidente ay hindi nahihinto ang smuggling sa Pilipinas dahil sa mga protektor sapagkat ang intelhencia at malaking suhol ang mas nananaig.

Ang pahayag ni PBBM sa SONA ay maliwanag na sampal sa awtoridad kaya kung may pagpapahalaga ang mga kinauukulan, halimbawa’y si PNP Chief Benjamin Acorda Jr., ay dapat kumilos na ito at huwag nang antayin pa ang direktiba mula sa Malacañang upang lusubin ang mga kuta ng mga smuggler at ng mga kapanalig ng mga ito. Hulihin ang mga pasimuno at ang kanilang mga galamay.

Sa usaping smuggling, walang lugar na pinaka-noturyos ang operasyon ng petroleum smuggling sa bansa kundi ang Region 4-A o CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na ang bagsakan o imbakan ng ipinupuslit na produkto mula sa ibang bansa tulad ng Malaysia, Russia at China ay nagkalat na parang kabute sa dami sa mga probinsya ng naturang rehiyon.

Ang mga hayag na mga paihi den na untouchable pagkat paulit-ulit mang bulabugin ay paulit-ulit ding bumabalik at nakapag-ooperate ay ang minamantine ng isang Bryan sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Bauan, Batangas. Sinalakay ang kuta ni Bryan ng mga elemento ng Regional Special Operation Unit (RSOU) ng PNP R4-A noong March 25, 2023. Ngunit ilang araw pa lamang ang nakalilipas bagamat maraming ebidensyang nakumpiska ang mga police operative ay muli na namang nakapagbagsak ng mga nakaw na produktong oil at petrolyo ang mga kakutsabang mga driver ng tanker/capsule truck sa kuta ni Bryan.

Liban sa mga police protector, may mga alagang armadong goon sina Bryan na nanghaharang ng mga tanker at truck driver na naglululan ng ipinupuslit na smuggled na petrolyo para obligahin ang mga itong sa kanilang burikian o patuluan magbenta ng ninakaw nilang produkto?

May dalawa ding malalaking paihian, patuluan, paawas sa Brgy. San Felipe at Brgy. Bawi sa bayan ni Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera na pinatatakbo ng isang alyas RR Reyes at Roy na di naman kinakante ni Padre Garcia Police Chief Maj. El Cid Villanueva?

Ang pinaka-malaking paihian o burikian naman sa Laguna ay matatagpuan sa tabi lamang ng Yakult Philippines na pinatatakbo ng isang Ador sa Brgy. Makiling, Calamba City.

Protektado ang operasyon ni Ador ng ilang opisyal at miyembro ng Kapulisan ng Calamba City, PNP Highway Patrol Group (PNP/HPG) at ng isang grupo ng hired killer na tinaguriang “Nofrada Gang” na nagpapatakbo din ng illegal parking ng mga malalaking cargo truck sa kahabaan ng Brgy. Makiling Highway?

Kumukolekta ng mula sa Php 2,000 hanggang Php 3,000 ang Nofrada Gang mula sa mga truck driver at operator ng mga dambuhalang behikulo upang gawing paradahan ang nabanggit na lansangan sa kabila ng malaking panganib na idinudulot nito sa mga motorista lalo na sa kalaliman ng gabi.

Ilang intelhencia kolektor ang lingguhang kumukolekta ng protection money gamit ang pangalan ng tanggapan ni Laguna Provincial Director Col. Harold Depositar para malaya at walang tinag na makapag-operate sina Ador at ang “Nofrada Gang”?

Sa bayan ng Guinyangan, Quezon Province ang grupo ng isang alyas Sammy ang nag-ooperate ng paihian ng krudo, gasoline, gaas at edible oil sa mga barangay San Luis 1 at San Luis 2.

Bilang lider ng humigit kumulang na 220,000 member and official ng PNP at personal choice na naging PNP Chief dahil kapwa Ilokano ng Pangulo, ang paihi at petroleum smuggling sa CALABARZON ay sana’y maging test case – magsilbing pilot area simula ng ipahayag ang war vs smuggler ni PBBM.

Kaya ang hamon kay PDG Acorda Jr., buwagin ang sindikato ng paihi nina Bryan sa Bauan, RR Reyes at Roy sa Padre Garcia, Batangas; Ador sa Makiling, Calamba City, Laguna at Sammy sa Guinyangan, Quezon?

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post SMUGGLING, PAIHI AT ILLEGAL VICES SA R4-A, HAMON KAY PDG ACORDA JR.! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SMUGGLING, PAIHI AT ILLEGAL VICES SA R4-A, HAMON KAY PDG ACORDA JR.! SMUGGLING, PAIHI AT ILLEGAL VICES SA R4-A, HAMON KAY PDG ACORDA JR.! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.