Facebook

Teknolohiya para sa Filipino learners, pinalawak ng Filipino-owned ABC Tech Ventures Inc .

Nais ng isang pribadong kumpanya na lumikha ng isang uri ng kamalayan na pahalagahan hindi lamang ang mga ahensya ng gobyerno kundi ang pangkalahatang publiko lalo na sa sektor ng edukasyon sa pamanagitan ng pagsusulong ng digitalization efforts sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng ABC Tech Ventures Inc., sinabi ni Reginald Yu, ang Chief Investment Officer na ang teknolohiya ay hindi lamang abot-kaya ngunit accessible na maaring magamit ng pangakalahatang publiko.

Layunin ng teknolohiya o mga tablet na ito na tumulong tungo sa ikabubuti ng publiko sa pangkalahatan.

Itinatag ito bago ang pandemya noong 2019 kung saan ginamit na rin sa mga pampublikong eskuwelahan at nilayon itong maging isang alternatibong learning resources lalo na sa mga estudyante.

Ayon kay Yu, nakipag-partner na ang ABC Tech sa Department of Education (DepEd) kung saan bumuo ng programa at teknolohiya upang umangkop sa mga requirements na kailangan ng DepEd pagdating sa curriculum.

Pero aniya, ang mga tablet ay hindi lamang dinisenyo para sa mga mag-aaral sa elementarya at high school kundi mula kinder garten hanggang kolehiyo.

“It also designed all the way from kinder garten to college and it is also — now we have partner in some developers to come up with the programs that will help even jobseekers in many aspects in a professional lives”, wika ni Yu.

Sa ngayon ay tinitignan ng kumpanya na makagawa ng 200-300 libong units o tablets para sa initial salvo ngunit umaasa silang makukuha ang target nila na aabot sa 5 milyon tablets sa pagtatapos ng taon.

Magbebenepisyo sa programa ang lahat ng eskuwelahan na accredited ng DepEd pero nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa CHED.

Ang teknolohiya ayon kay Yu ay umabot sa 2 hanggang 3 taon para madevelop kung saan mga Filipino engineer ang siyang nagdisenyo tulad ng mga digital engineers, information technology engineers.

“Hindi lamang siya affordable kundi elegante-hnd lang siya mura pero hindi rin siya mukhang mura”, sabi pa ni Yu.

“We have several local governments that already availed our technology usually provincial governments and now we are partnering with –actually we already partnered with DepEd. We already supplied DepEd about 2 or 300k units already for tablets.”

Sa pormal na paglulunsad ng Filipino-owned ABC Tech Ventures Inc, sa nasabing teknolohiya, ipinagmalaki ng kumpanya na kabilang sa mga features ay ang kahanga-hangang consolidating multiple subjects tulad ng Mathematics, Science at English na nakasaad sa isang tablet.

Nilagyan din ang mga tablet ng matatag na mga filter ang nilalaman niton upang maiwasan ng mga mag-aaral na ma-access ang ‘inappropriate content’ at masiguro ang ligtas na learning environment.

Katuwang ng kumpanya ang National Development Company (NDC), DepEd para mapalakasin ang digital learning.

The post Teknolohiya para sa Filipino learners, pinalawak ng Filipino-owned ABC Tech Ventures Inc . appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Teknolohiya para sa Filipino learners, pinalawak ng Filipino-owned ABC Tech Ventures Inc . Teknolohiya para sa Filipino learners, pinalawak ng Filipino-owned ABC Tech Ventures Inc . Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.