Facebook

ISANG CAUTIONARY TALE

NOONG Huwebes, humarap sa pangatlong sakdal ang dating pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump. Humarap siya sa sala ni Tanya Chutkan, hukom na lumilitis sa kaso. Apat ang sakdal: Una, “conspiracy to defraud the United States, o pakikipagsabwatan upang lansihin o lokohin ang Estados Unidos; pangalawa, pakikipagsabwatan upang pigilin ang isang tuntunin ng pamamaraan na opisyal; pangatlo, pigilin at tangkang pigilin ang tuntunin ng pamamaraang opisyal; at pang-apat, pakikipagsabwatan upang harangin at pigilin ang karapatan upang bilangin ang boto. Maaaring tatawa-tawa si Trump sa mga bagong paratang, ngunit batid sa mga kilos niya na siya ay natatakot. Alam niya sa pangatlong kaso, maaari na siyang humimas ng malamig na rehas. Isang “cautionary tale”, na maaaring pulutan ng aral ng lahat ng pulitikong tatangkain tumahak sa landas na pinili ni Donald J. Trump.

***

SA wakas, habang isinusulat ng inyong lingkod ang kolum na ito, binigyan tayo ng pahinga ni Poong Kabunian mula sa sunod-sunod na pag-ulan na naranasan natin. Tuloy napaisip ako sa ulat ng El Niño. Ito ay maulan. Nakakatawa, ngunit ang asta ng Kalihim ng Pananakahan wala tayo dapat ikabahala, samantala ang mga nakakaalam, lalo na mga nasa DA sinasabi na ang suplay ng pagkain ay pang dalawang araw na lang.

Mapapaisip ka talaga, lalo na kung ang mismong kalihim ng agrikultura ay dedma, parang si Nero na pabigolin-biyolin habang nasusunog ang Roma. Diretsahan tayo. Nasa ibang bagay ang prayoridad ng administrasyong Bonget, at ito ay magkalap ng salapi. Hindi prayoridad ng administrasyong ito ang kapakanan ng taumbayan, bagkus, prayoridad nila magkamal ng magkamal. Sa mga darating na panahon nagugunita ng abang kolumnistang ito ang tuluyang paglubog natin sa alinlangan. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Ang namumuno sa Pilipinas ay lutang samantalang ang pinamumunuan niya ay lubog sa baha…” -Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen, kritiko

“An appeal is an implied admission of jurisdiction. So stop saying that ICC has no jurisdiction…” – Eden Pelaez, netisen

“Ang pinakamasaklap sa isang mayabang at sinungaling ay kung yung ipinagmalaki niyang mga bagay ay minaliit naman ng madlang pipol…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen

“Ang tinatawag nilang Tigre ng Norte ay “tuta” lang pala ng “tuta” ng China…” -Dyun C. Gases, netizen

“Jr: We cannot tolerate corruption or incompetence in gov’t. Really? Ba’t andiyan ka pa?…” – Joel Cochico, netisen
“According to Google In 2022, 7-Eleven was the leading convenience store in the Philippines according to the number of stores. That year, the U.S.-based chain store had 3,323 stores in the country… Seven thousand Kadiwa stores?… Thats according to Budol…” – The Village Idiot, kritiko, nerisen

***

JokTaym (mula kay Hector Mison)

Eksena sa Healing:

HEALER: Tumayo ka Tatang!!!…

(Dahan-dahan tumayo si Tatang

na nasa wheelchair…)

HEALER: Ngayon maglakad ka Tatang!…

Lakad!!!… Sige, lakad!!!…

(Si Tatang tumayo at naglakad, sa

gulat ng mga tao…)

(Pagkatapos maglakad, binigyan

ng mikropono ng Healer…)

HEALER: Tatang, ano masasabi niyo?…

TATANG: Hindi pa rin ako makakita…

***

Powents To Pander:

“Sa Panahon ngayon di Baleng Hindi Gwapo…

Ang Importante Mahalaga…” -Dexter Liao, DJ na, spinner pa…

***

mackoyv@gmail.com

The post ISANG CAUTIONARY TALE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ISANG CAUTIONARY TALE ISANG CAUTIONARY TALE Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.