Facebook

ONE-STRIKE POLICY NI PDG ACORDA JR., BALEWALA KAY PD DEPOSITAR!

KAPURI-PURI ang ipinalabas na kautusang One-Strike Policy ni Philippine National Police Chief PDG Benjamin Acorda Jr. hinggil sa mga regional at provincial director, city at town police chief na hindi kumikilos laban sa operasyon ng illegal gambling, paihi at iba pang illegal activities sa kanilang area of responsbiltiy (AOR).

Nagbabala si PDG Acorda Jr. na hindi mangingiming tanggalin sa puwesto ang mga regional director (RD) Provincial director (PD) at police chief kapag sila’y nahulihan ng sugalan, paihi at iba pang iligal na aktibidad ng mga special police team na kanyang binuo at uutusang magsagawa ng mga pagsalakay sa kanilang hurisdiksyon o lugar na may napapaulat na nag-ooperate pa din ng kailegalan sa kabila ng kanyang mahigpit na direktiba.

Dahil sa kautusan niyang ito ay tumalima naman ang mga RD, PD at police chief – nilusob ang mga “tabakuhan” sa maraming kilalang lugar na talamak ang operasyon ng STL con-jueteng, sakla, lotteng, pergalan (perya na may color games, beto-beto, cara y cruz, sakla, kalaskas, drop ball at iba pang uri ng sugal) at paihi kabilang na ang Metro-Manila, Region 3 o Central Luzon.

Halos lahat na RD, PD at police chief na gumagalang at kumikilala sa PNP chain of command ay natakot, kaya sumunod sa utos ni PDG Acorda Jr., maliban lamang ang Laguna na ang kapulisan ay pinamumunuan ni OIC Provincial Director Col. Harold Depositar.

Sa lalawigan ni Laguna Governor Ramil Hernandez ay lantaran ang operasyon ng illegal gambling at paihi at ito ay lalong dumami, tuloy-tuloy, hindi humihinto at bagkus ay nadagdagan pa na ang dahilan ay pagpapabaya ng liderato ng maraming police chief sa naturang probinsya.

Parang pinagtitiyap ng pagkakataon ang sinabi ni ex-PNP Chief – ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kay PDG Acorda Jr. sa Senado sa isang pagdinig ng kasong kinasasangkutan ng mga pulis – “Ganyan ka na kahina General Acorda, hindi mo kayang hawakan ang organisasyon mo”?

Umaayon din sa katotohanang ito sa nangyayari sa hurisdiskyon ni Col. Depositar sa sinabi ni Senador Bato kay PDG Acorda Jr., pagkat sa mga siyudad at munisipalidad ng Laguna ay balewala ang direktiba ni PDG Acorda Jr., pagkat sa katunayan ay talamak pa din ang operasyon ng STL con-jueteng ng may 25 gambling maintainer ilan dito ay kinilalang sina Tose na nag-ooperate sa mga siyudad ng San Pablo, San Pedro at Binan.

May weekly payola si Tose sa ilang matataas na opisyales ng Laguna PNPO na Php 220,000, gayundin sa local at provincial government unit.

Ang iba pang STL con-jueteng o bookies operator at ang kanilang lingguhang hatag sa mga naturan ding opisyales ng PNP at government official ay sina Orlan ng San Pablo City-Php 30,000; alyas Win Amante ng San Pablo City- Php 30,000; Timmy ng San Pablo City mga bayan ng Aluminus, Nagcarlan at Liliw-Php 50,000. Nag-ooperate din si Timmy ng naturang iligal na pasugal sa mga bayan ng Mabini at San Pascual, kapwa sa lalawigan ng Batangas.

Sina Pinky sa San Pablo City at Mahayjay- Php 40,000; Tita ng Cabuyao at Calamba City-Php 250,000; Osel sa bayan ng Calauag-Php 35,000; ex-police Eborra ng Sta Rosa City at Binan City-Php 40,000; Nico ng Binan City-Php 40,000; Jess sa Sta Rosa City-Php 22,000; Manguiat ng Calamba City-Php 30,000; Karatehan, Calauan-Php 25,000; Kon Robert, Calauag-Php 20,000 at Jun ng Los Banos-Php 25,000.

Ang iba pang salot na STL con-drug operator at ang lingguhan nilang protection money sa mga nabanggit din PNP, LLGU at PGU ay sina Mayang-Php 20,000; Gil-Php 20,000; Vener-Php 12,000, Baretto-Php 30,000; at Angke-Php 20,000 at iba pa.

May tatlo namang kuta ng burikian, paawasan, pasingawan, patuluan o paihian ng petroleum at liquefied petroleum product (LPG), pinakamalaki ay ang inooperate ng isang Ador sa Brgy. Makiling Higway sa Calamba City.

Bukod sa ito ang namimimili ng mga ninanakaw na produkto sa mga kasabwat na tanker at capsule truck ay bagsakan din ang pwesto ni Ador ng mga smuggled na petroleum at oil product na ipinupuslit sa Batangas City Pier sa probinsya ng Batangas ng mga lokal na tanker at barges mula sa karagatan ng lalawigan ng Masbate sakop ng Region 5.

Ngunit sa tinagal-tagal na ng iligal na operasyon ni Ador sa may likuran lamang ng Yakult Philippines sa Brgy. Makiling Calamba City ay hindi ito masupil-supil nina Calamba City Police Chief LtCol. Milany Martirez at maging ng mga operatiba ni Col. Depositar, partikular ng kanyang mga Provincial police staff ng intelligence, invesitigation at operation chief.

Sa harapan naman ng paihian ni Ador sa Makiling National Highgway ay sangkaterba ang mga cargo truck at iba pang malalaking behikulo na ginagawang paradahan ang nasabing lansangan, karamihan nito ay may mahigit pa sa kalahating taon nang iligal na nakaparada doon. Halagang mula Php 1,000-Php 2,000 ang ibinabayad na protection money ng mga truck driver sa Nofrada Gang na liban sa kapulisan ay nagbibigay din ng proteksyon sa operasyon ni Ador. Si Ador ay naghahatag ng halagang Php 180,000 kada isang lingo sa isang Laguna PNP official samantalang Php 100,000 naman sa opisina ng Calamba City Police?

In fairness kay Col. Depositar, posibleng binubulag ito ng kanyang mga pinagkakatiwalaang opisyales kaya hindi nito marahil “nadadamo” ang kanyang hurisdiskyon kaya palala ng palala ang suliranin sa peace and order lalo pa’t nagkalat din ang ang mga iligal na pasugalan sa mga pergalan (perya at sugalan) sa halos lahat na siyudad at karamihan sa mga musipalidad ng nabanggit na lalawigan.

Pagkat tila nababalewala ni Col. Depositar, ng kanyang mga police chief at staff ang One-Strike Policy ni PDG Acora Jr., may punto si Senador Bato sa kanyang katanungan na- “Ganyan ka na kahina General Acorda, hindi mo kayang hawakan ang organisasyon mo”?

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post ONE-STRIKE POLICY NI PDG ACORDA JR., BALEWALA KAY PD DEPOSITAR! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ONE-STRIKE POLICY NI PDG ACORDA JR., BALEWALA KAY PD DEPOSITAR! ONE-STRIKE POLICY NI PDG ACORDA JR., BALEWALA KAY PD DEPOSITAR! Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.