Facebook

SALITANG TIMPUYOG ANG TANDAAN PARA SA CANNABIS!

Para sa ikaiintindi o ikauunawa ng buong sambayanan ay kailangang mamemorya ang salitang “TIMPUYOG” upang maisulong ang pagpasa sa MEDICAL CANNABIS ACT.

Sa MEDIA HEALTH FORUM (MHF) na pinangungunahan ng mga VETERAN BROADCASTER na sina ROLLY “LAKAY” GONZALO, DR. RICHARD NIXON GOMEZ at EDWIN EUSEBIO ay puspusan na ang pagsusulong ngayon ng iba’t ibang mga organisasyon para maging legal na ang paggamit ng halamang MARIJUANA o CANNABIS bilang pang-gamot sa iba-ibang uri ng mga karamdaman.

Nitong nakaraang Lunes ay ipinunto ng MHF Guest na si DR. JOHN ORTIZ TEOPE na siyang NATIONAL SECRETARY-GENERAL ng TIMPUYOG PILIPINAS na kailangang ipaintindi sa lahat at matanggap ang kani-kanilang operational aspects.., na ang isang paraang ay mamemorya ang salitang TIMPUYOG para sa legalisasyon ng MEDICAL CANNABIS sa ating bansa.

Timpuyog.., napapanahon na dahil sa panawagan ng mamamayan na patunay niyan ang mga petisyong inihain na sa CONGRESS; Internationally accepted.. na ito ay legal na sa halos 60 mga bansa sa buong mundo; Medicine na tutuon lamang sa aspetong pang-medisina; Pedagogy na magtutuon sa massive education campaign para maliwanagan ng sambayanan ang importansiya ng medical cannabis; Upliftment na bukod sa pang-medisina ay maglilikha pa ito ng business, jobs revenues at taxation; Yield para sa decriminalization ng cannabis para magamit bilang gamot sa mga pasyente; Organization na tutuon sa paglikha ng ahensiya na mangangasiwa sa operations, trade, research at regulations para sa cultivation at distribution ng medical cannabis; Give na tutuon sa kapag-asahan makagamot at mapahaba pa ang buhay ng mga pasyente.

“TiMPUYOG must always be remembered as a solid key in enlightening the people and Congress to accept and pass the Medical Cannabis Act,” pagpupunto ni DR.TEOPE.

Sa KAPIHAN FORUM nitong nakaraang Linggo ay inihayag ni DEPARTMENT OF HEALTH SECRETARY TED HERBISA na siya ay pabor para sa MEDICAL CANNABIS…, yun nga lang, kailangan ay IMPORTED MEDICAL CANNABIS.., dahil hindi umano siya pabor para sa pagtatanim at manufacturing ng marijuana sa ating bansa.

Naku.., anong lohika mayroon etong si HEALTH SEC. HERBOSA na mas nanaisin pa niya ang IMPORTATION kaysa linangin ang MARIJUANA na kusang nagsisitubo lang sa mga kabundukan natin.., na ito ang marapat na gawing medisina sa ating bansa dahil may manufacturing company naman na may kakayahan at kasanayan para sa pagmamanupaktura ng MEDICAL CANNABIS.

Sa obserbasyon ng ARYA.., sadyang hinaharang ang pagsasa-legal ng local cannabis medical dahil kung mangyayari ito ay maraming mga BIG PHARMACEUTICAL ang babagsak ang kanilang negosyo at maraming mga kumisyoner ang mawawalan ng raket dahil sa TRADE IMPORTATIONS.., dapat MAGPAKATOTOO na ngayon ang lahat nating GOVERNMENT OFFICIALS na maging CONCERN sa kapakanan ng mamamayan at hindi sa CONCERN FOR THEIR OWN POCKETS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.

The post SALITANG TIMPUYOG ANG TANDAAN PARA SA CANNABIS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SALITANG TIMPUYOG ANG TANDAAN PARA SA CANNABIS! SALITANG TIMPUYOG ANG TANDAAN PARA SA CANNABIS! Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.