Facebook

PDG ACORDA JR., GASGAS ANG PANGALAN SA VICE OPERATION SA LAGUNA!

LINGID sa kaalaman ni Philippine National Police (PNP) Chief PDG. Benjamin Acorda Jr., ang kanyang pangalan ay “mabahong-mabaho” na dahil sa gasgas na panggagamit, panghihingi ng tong, intelhencia, tongpat na lingguhang protection money na kinikikil ng mga “kapustahan” (police tong collector) sa nga operator ng iligal na sugal, paihi at iba pang kailigalan sa Laguna at iba pang bahagi ng CALABARZON.

Magkaganon pa man, walang dapat sisihin sa nangyayaring ito sa lalawigan ni Gov. Ramil Hernandez kundi ang sarili ng PNP Chief, dahil bilang tagapamuno ng Pambansang Kapulisan, pakiwari natin ay hindi nito nagagampanan ang kanyang trabaho kaya ganon na lamang kung bastusin ang kanyang pangalan?

Ang panggagamit ng kanyang pangalan ng mga “kapustahan” o vice collector sa Laguna ay tuwirang panglilibak sa kanya (PDG Acorda Jr.), subalit kung umaaksyon sana ito ay walang mga gagong vice tongpats, paihi at gambling tulad ng STL con-jueteng, sakla, lotteng, pergalan (perya na pulos sugalan) at iba pang iligal na sugal sa naturang lalawigan.

Bilang PNP Chief na eksperto sa intelligence work, dapat alam ni PDG Acorda Jr. na ang itinalagang Laguna OIC Provincial Director na si Col. Harold Depositar ay tila bulag sa mga nangyayari sa kanyang area of responsibility (AOR), disin sana ay ipina-raid at ipinahuli niya ang mga nagkalat na kuta ng paihi o buriki, rebisahan ng STL con-jueteng o bookies, saklaan, pergalan at iba pang gambling den sa kanyang hurisdiksyon.

Sa isang banda, hindi sana nababastos ang PNP Chief sanhi ng pangagamit sa kanyang pangalan sa vice payola kung ginagawa ni Col. Depositar ang kanyang mandato. Ang pagsawata sa mga nangyayaring paglabag sa batas tulad ng operasyon ng dalawang paihian, pasingawan, patuluan o buriki sa likod ng Yakult Philippines at sa dating warehouse ng San Miguel Corporation na parehong nasa Brgy. Makiling, Calamba City at talamak na gambling operation sa halos lahat na siyudad at bayan sa Laguna ay bahagi ng kanyang tungkulin bilang alagad ng batas lalo’t pinaka-mataas na opisyal siya o PNP Provincial Director ng nasabing lalawigan.

Sa listahan ng mga vice operator, bukod kay PDG Acorda Jr., dalawang top Region 4-A official at ang pangalan ni Col. Depositar ang ipinangongolekta ng nagpapakilalang mga “kapustahan” (police tong collector) mula sa opisina ng Laguna PD para daw pulido, walang raid at hulihan sa operasyon ng iliigal na sugal, paihi, kasama na ang illegal drug.

Liban sa paihian o burikian nina Ador sa Brgy. Makiling sa hurisdiksyon ni Calamba City Police Chief LtCol. Milany Martirez, mayroon ding ilegal parking doon ng mga dambulang behikulo na nagbibigay ng protection money mula Php 1,000-Php 2,000 sa grupo ng “Nofrada Gang”.

Ang mga cargo truck driver mula 16-wheeler o mas malalaki pang behikulo ay malayang makaparada kahit na abutin pa ng mahigit sa kalahating taon sa Makiling Highway basta may hatag sa gang na kakutsaba ang ilang miyembro ng Calamba City Police, PNP Highway Patrol Group (PNP/HPG) at Laguna Provincial Police Office at maging ilang opisyales ng barangay.

Isa sa malakas na salyahan ng pinaihing produktong petrolyo nina Ador at ng iba pang grupo ng naturang sindikato ay sa Brgy. Banlic, Calamba City kung saan araw-araw ding libreng nagkakarga ng gasolina at krudo ang mga mobile car at iba pang sasakyan ng pulisya ng Calamba City.

May kuta din ng paihi sa Brgy. Silangan Exit kung saan nakaimbak ang sangkaterbang drum at container ng nakaw na petroleum product ng buriki operator na isang Chinese mestizo at ng kasosyo nitong lokal na iligalista.

Mahigit sa Php 2M ang nakokolekta naman ng mga “kapustahan” (police tong collector) isa dito ay nagpapakilalang James na nakatalaga sa tanggapan ng Laguna Provincial Police Office mula sa dalawamput- limang (25) STL con-jueteng operator, ilan dito ay kinilalang sina Tose ng San Pablo City, San Pedro City at Binan City – Php 220,000; Orlan ng San Pablo City – Php 30,000; alyas Win Amante ng San Pablo City- Php 30,000; Timmy ng San Pablo City, mga bayan ng Aluminus, Nagcarlan at Liliw- Php 50,000.

Nag-ooperate din si Timmy ng naturang iligal na pasugal sa mga bayan ng Mabini at San Pascual, kapwa sa lalawigan ng Batangas.

Sina Pinky ng San Pablo City at Mahayjay- Php 40,000; Tita ng Cabuyao at Calamba City-Php 250,000; Osel sa bayan ng Calauag-Php 35,000; ex-police Eborra ng Sta Rosa City at Binan City-Php 40,000; Nico ng Binan City-Php 40,000; Jess sa Sta Rosa City-Php 22,000; Manguiat ng Calamba City-Php 30,000; Karatehan, Calauan-Php 25,000; Kon Robert, Calauag-Php 20,000 at Jun ng Los Banos-Php 25,000. Ilan lamang sila sa mga STL bookies operator na nagtutulak din ng droga at naghahatag ng protection money sa mga “kapustahan” para sa pangalan nina PDG Acorda Jr., Col. Depositar at dalawang pang top Region 4-A police official.

Kabilang din sa mga naturang STL con-jueteng at drug operator ay sina Mayang-Php 20,000; Gil-Php 20,000; Vener-Php 12,000, Baretto-Php 30,000; at Angke-Php 20,000 at iba pa.

Ang sakla / drug trader na pawang naghahatag din ng lingguhang intelhencia sa pangalan nina PDG Acorda Jr. at Col. Depositar, ilang police chief at maging sa tanggapan ng LGU at Provincial Governor’s Office ay kinabibilangan ni Bong – ang sakla king ng Laguna na nagmamantine ng mga saklaan sa mga lungsod ng Sta. Rosa, Cabuyao, Binan at Calamba, mga bayan ng Victoria, Los Banos at Rizal. Naghahatag ito ng Php 100,000 kada isang linggo sa kapulisan.

Ang iba pang sakla operator ay sina Jayson, Brgy. Bobuyan, Calamba City -Php 15,000; Joan at Robert, Cabuyao-Php 15,000; Lady Rose, Poblacion Los Banos-Php 15,000; Sgt. Oruga, Bagong Karsada, Calamba City-Php 15,000; Castillo, Bay-Php 15,000; Ronnie / Junjun, Aplaya Calamba City-Php 15,000; Levista, Liliw Victroia at Nagcarlan-Php 45,000; Katimbang, San Pablo City at Rizal-Php 30,000; at Jenny, Cabuyao City-Php 15,000. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post PDG ACORDA JR., GASGAS ANG PANGALAN SA VICE OPERATION SA LAGUNA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PDG ACORDA JR., GASGAS ANG PANGALAN SA VICE OPERATION SA LAGUNA! PDG ACORDA JR., GASGAS ANG PANGALAN SA VICE OPERATION SA LAGUNA! Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.