MAS magandang busalan sa bibig si Sara Duterte. Huwag pagsalitain hanggang maaari tungkol sa trabaho at misyon ng kanyang kagawaran. Nabisto na walang alam at mangmang sa trabaho. Nang tanungin kahapon kung bakit kailangan ng Deped ng P150 milyon na confidential fund, ito ang kanyang sagot: “Education is intertwined with national security. Napakahalaga that we mold children, who are patriotic, … who will love and defend our country.”
Mukhang hindi alam ni Sara na pangunahing pakay ng edukasyon ay nationbuilding. Trabaho ng kanyang kagawaran na hubugin ang kaisipan ng kabataan upang ihanda sila sa kanilang ambag sa kaunlaran ng bansa. Nakasalalay sa mga kabataan ang kinabukasan ng bansa. Hindi trabaho ng kanyang kagawaran na bantayan ang pambansang seguridad.
Kamangmangan ang kanyang sagot sa tanong. Hindi trabaho ng mahigit sa isang milyon guro sa pampublikong paaralan ang bantayan ang seguridad ng bansa. Trabaho iyan ng mga sundalo at pulis ng bansa. Kailangan hasain ang isip ni Sara. Masyadong mapurol sa usapin ng bansa. Kahit sa gawain ng kanyang kagawaran.
*
TAMA ang ginawa ng administrasyon ni Bongbong Marcos. Nagharap ito ng matinding protesta diplomatiko kontra Tsina sa pagbomba ng Chiense Coast Guard sa Philippine Coast Guard. Isang bansang haragan (rogue state) ang tingin ng international community sa Tsina. Hindi namin alam kung may mukha na ihaharap ang Tsina sa buong mundo.
Kumampi sa Filipinas ang Estados Unidos, Canada. Australia, Japan, mga bansa sa European Union, at iba pa. Nagpahayag sila ng matinding pagtutol sa ginawa ng Tsina at sinabi na maari itong pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa rehiyon. Hindi namin alam kung nararamdaman ng Tsina na inihihiwalay sila ng mga bansang malaya sa world community.
Ang hindi namin gusto ang pilit na pagpasok sa eksena ng mga pulitikong palpak upang magmukha silang may alam sa usapin. Natatawa kami sa mga sinasabi ng mga kaalyado ni Gongdi dahil pilit silang nagmamagaling. Sino ang matinong tao na seseryoso kay Bong Go, Bato, Robin, Bong Revilla, at Francis?
***
MAGANDA ang sinabi ni Liling Briones tungkol sa confidential fund ni Sara sa Deped sa ilalim ng panukalang national budget. Ayon sa kanya, maihahambing ito sa pork barrel fund dahil walang pananagutan ang kalihim gamitin o hindi gamitin ang pondo. Kawawa naman ang bansa dahil pera ng taongbayan ang confidential fund na ginagamit kahit walang pananagutan sa bayan ang gagamit.
Hindi natutuwa si Perfecto Bragais, isang netizen, sa sinabi ni Liling. Aniya: “Confidential funds are in fact WORSE than the pork barrel. The latter is just a percentage of the allocated fund, between 20 to 30 percent depending on the greed of the legislator. In the former, the entire amount could be pocketed by the official.”
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Was telling friends that 20 years ago when you had a new car, people looked at you as handsome, awesome, and loaded. Now, you’ve a new car, they think you’re stupid and loathsome. They say: ‘Nag-Grab ka na lang. Dagdag ka pa sa trapik.’ See how public perception change.” – PL, netizen
“Truth is the sick crazy old man is not taken seriously in the global arena. They look at him a buffoon. He’s all bluster. That’s why his opinions and views are not sought. He’s not consulted. Global leaders look at him as a rabid pro-China lackey, a running dog. The sick crazy old man feels it. He knows world leaders view him condescendingly; he knows they are not impressed with his antics. He has a chip on his shoulder to the point he wants to show off as if he is in power, or on top of the situation.” – BI, netizen
***
HINDI nakuha ni Gongdi ang kanyang hiningi kay BBM. Gusto ni Gongdi na iurong ni BBM ang alyansang militar sa pagitan ng Estados Unidos at Filipinas. Nais na ipawalang bisa ang Enhanced Defense Cooperation Alliance (EDCA) sa pagitan ng dalawang bansa at alisin ang itinayong 10 base militar ng Amerika sa bansa. Ngumiti lang si BBM kay Gongdi. Nakakasa na lahat ang mga iyan. Dikta ni Xi Jinping ang mensahe ni Gongdi kay BBM.
Nais rin ni Gongdi na tuluyang suportahan siya sa laban niya sa International Criminal Court (ICC). Ngumiti lang si BBM. Simple ang sagot ni BBM kay Gongdi: problema mo iyan at huwag mo akong idamay. Kahit ngayon, walang order si BBM na pigilan ang mga taga-imbestigador ng ICC kung papasok sila at isagawa ang formal investigation kay Gongdi.
***
ULAT ito ng Vera Files at isinulat ng beteranong mamamahayag na si Ellen Tordesillas:
Bukod kay dating pangulong Rodrigo Duterte, sina kasalukuyang Pangalawang Pangulong Sara Duterte, Senador Bong Go, at Senador Bato Dela Rosa ay pinangalanan din sa mga dokumentong ipinása sa International Criminal Court o ICC na nag-iimbestiga sa mga pagpatay noong drug war ng administrasyong Duterte.
Ito ang unang beses na pinangalanan si Sara Duterte-Carpio sa mga opisyal na dokumentong pinása sa ICC. Áyon sa mga dokumento, inaprubahan ni Sara ang mga pagpatay noong siya ang mayor ng Davao mula 2010 hanggang 2013 at mula 2016 hanggang 2022. Hiningi ng VERA Files ang panig ni Sara, pero “no comment” lang ang text ng kanyang information officer.
Higit 70 beses namang pinangalanan si Christopher Lawrence “Bong” Go sa isang 186-page affidavit. Áyon sa mga dokumentong pinása sa ICC, sa mahabang panahon na executive assistant si Bong Go ni Rodrigo Duterte, may ilang pagkakataóng si Bong Go ang nagpapadala ng mga utos ni Duterte sa Davao Death Squad.
Ilan sa mga pagpatay na ito ay walang kinalaman sa droga. Halimbawa ay ang pagpatay sa drayber na si Primo Nilles at ang pagpatay sa second-hand truck importer na si Christopher Yu. Makapangyarihan si Bong Go bílang bantay ni Duterte noong pangulo ito. Kahit noong naging senador si Bong Go, lagi pa rin siyang kasama ni Duterte sa halos lahat ng gawain ng dating pangulo. Ilang beses hiningi ng VERA Files ang panig ni Bong Go, pero hindi ito sumasagot.
Higit 90 beses namang pinangalanan si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa parehong 186-page affidavit. Áyon sa mga dokumentong pinása sa ICC, bumuo si Bato ng sariling death squad. Si Bato ang hepe ng pulis ng Davao mula 2012 hanggang 2013 sa ilalim ng dating mayor Sara. Si Bato rin ang station commander at intelligence division chief ng Davao Police mula 1992 hanggang 1997 noong si Rodrigo naman ang mayor.
Bílang hepe ng Philippine National Police naman, si Bato ang namuno sa drug war mula 2016 hanggang 2018, na pumatay sa 30,000 tao (áyon sa estima ng human rights groups); 6,000 sa mga pagpatay na ito ay inamin ng PNP. Ilang beses ding hiningi ng VERA Files ang panig ni Bato, pero hindi rin ito sumasagot.
Noong March, sinabi ni Bato na hindi siya natatakot sa ICC dahil wala na raw itong kapangyarihan sa Pilipinas. Pero inamin niyang iniiwasan niyang pumunta sa mga bansang “loyal” sa ICC para hindi siya maaresto kung sakali.
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post MALING PANINIWALA NI SARA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: