MULING tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na imbak na bigas ang bansa kahit pa pagkatapos ng El Niño phenomenon sa susunod na taon.
Ang pahayag ay ginawa ni PBBM makaraang makipagpulong sa mga industry players sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council (PSAC) at Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Malacañang.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang rice situation sa bansa ay manageable at stable sa gitna na rin ng mga ulat na nagtaasan ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Nabatid na sa pakikipagpulong ng Pangulo sa PRISM, inilatag ng grupo ang kanilang rice supply outlook sa bansa hanggang sa katapusan ng 2023.
Isiniwalat naman ni Department of Agriculture Undersecretary Merceditas Sombillo na ang projected ending stock ngayong taon ay nasa 1.96 million metric tons (MMT) na sapat sa loob ng 52 araw.
Matatandaang nagpatawag ng meeting ang Presidente para alamin sa mga stakeholders ang kalagayan ng rice industry at matiyak na rin na sapat ang suplay ng bigas sa bansa. (Gilbert Perdez)
The post SUPLAY NG BIGAS, SAPAT HANGGANG 2024 — MARCOS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: