SISIMULAN ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang 48th season sa Oktubre 15.
Sinabi ni PBA commissioner Wilie Marcial na ang season ay tatakbo hanggang Abril 2024 depende kung gaano kahaba ang dalawang conference, ang import-spiced Commissioners Cup at All-Filipino Philippine Cup, matatapos.
“Ang finals ng coming Commissioner’s Cup, siguro matatapos siya ng February. Tapos mga 7-10 days, magsisimula naman yung All-Filipino Cup (The Commissioner’s Cup Finals might finish by February. Then after 7-10 days, the All-Filipino Cup will start),” Inanunsyo ni Marcial sa Philippine Sportswriters Association Forum Martes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.
Kinumpirma nya na ang All-Star Week ay nakatakda sa Marso sa Bacolod.
“Inanyahan tayo at nakausap natin si Mayor Albee [Benitez] na sila ang magho-host sa (Mayor Albee invited and even got to talk to us saying that they will host the All-Star Week in) Bacolod by March,” Wika ni Marcial.
Inanunsyo rin ng league executive na ang PBA Draft Combine ay naka-iskedyol sa Setyembre 12-13 ilang araw lang pagkatapos ng FIBA World Cup sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.
Ang combine ay kailangan para sa aspirante na ipahiwatig ang kanilang layunin na lumahok sa Setyembre 17 draft, na gaganapin sa Market Market Activity Area sa Taguig.
Nasa kalendaryo rin ng PBA Commissioners Cup ang posibilidad na magsagawa ng three-game home stand para sa guest team Bay Area sa Hong Kong.
“Pinag-usapan namin yan ni Matt Beyer (EASL CEO) para maglaro sa Hong Kong,” Patuloy ni Marcial. “Hindi pa talagang finalized yung pag-uusap namin, pero 80 percent, maglalaro sa Hong Kong.”
Magkakaroon ng out-of-town game sa Tiaong,Quezon, Baliwag, Bulacan, Batangas City, at Dumaguete City, at 15 lalawigan ang nag alok na mag host ng PBA games ngayon season.
Sinabi ni Marcial na suportado ng PBA ang laban ng Gilas Pilipinas sa World Cup at Asiad sa Hangzhou,China mula Setyembre 23 hanggang Oktobre 8.
“We continue to support Gilas for the Asian Games. We still don’t know which players the team will use, if it’s still Gilas today (for the World Cup) or if the players will change.
The post PBA Season 48 magbubukas sa Oktubre 15 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: