LAGLAG sa ikalawang pwesto si dating Pangulong Duterte sa latest Tangere Senatorial Survey na isinagawa nitong November 2-4, 2023, ilang linggo matapos magalit ito hinggil sa pag-alis ng kongreso ng “Confidential and Intelligence Fund” (CIF) ng anak nito na si Vice President Sara Duterte.
Mula 62.42 percent noong Setyembre, nabawasan ng 5 points ang voter preference ng dating pangulo, at ngayon ay nasa 57.39 percent lang.
Dahil dito umakyat si ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa number 1 spot mula sa 2nd place na nakakuha ng 60 percent voter preference.
Nasa 3rd place si dating Senator Vicente “Tito” Sotto III (49.06%), 4th place si Sen. Imee Marcos (48.78%), 5th place si Sen. Bong Go (47.22%), 6th place si dating Manila Mayor Isko Moreno (44.94%); 7th place si Manny Pacquiao (42.56); 8th place si Doc. Willy Ong (42.39); 9th place si Sen. Pia Cayetano (39%); 10th place si Sen. Bato dela Rosa (38.11); 11th place si Sen. Francis Tolentino (37.56) at 12th place si Sen. Lito Lapid (34.17).
May 1,800 respondents ang nasabing survey nationwide.
The post CIF comment, humatak pababa sa rating ni dating Pangulong Duterte? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: