PINALAYA si Leila de Lima sa bisa ng piyansa na inilagak niya sa hukuman. Hindi ganoon kalakas ang huli at pangatlo niyang asunto upang manatili sa kulungan. Nakikita namin na nangangatog sa takot si Gongdi. Hindi ganyan katapang si Gongdi. Matapang siya sa mga walang lakas, hindi lumalaban, at mga babae. Mas mahirap si Leila kontrolin sa laya kesa sa kulungan. Kung ako kay Gongdi, magdasal na siya kung marunong siya magdasal.
Nakikita namin si Leila na tumatayo bilang manananggol ng mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng madugo pero palpak na giyera kontra droga ni Gongdi. Siya ang pinakakuwalipikadong manananggol na magdadala kay Gongdi sa bilibid ng International Criminal Court (ICC). Hinihintay lang siya ng mga pamilya ng mga biktima.
Inaasahan namin na isusulat ni Leila ang lahat-lahat sa isang libro na ikakalat sa buong mundo. Isisiwalat niya lahat-lahat ang mga kawalanghiyaan ni Gongdi. Siya ang may kredibilidad sa ganitong pagsisiwalat. Abangan natin ang mga susunod na mangyayari.
*
TULOY-TULOY ang recovery ng Filipinas lalo na ngayong Kapaskuhan at sa mga susunod na buwan dahil sa pagbubukas ng pambansang ekonomiya mula sa maraming pagbabawal sa ilalim ng isa sa pinakamalupit na lockdown na ipinatupad ni Gongdi kontra sa Covid-19.
Sa kanyang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Kyuisi, ipinaliwanag ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort na naging agresibo ang gobyerno sa pag-aalais ng mga balakid sa malayang kalakalan na dulot ng mga pagbabawal ni Gongdi na pawang nawalan na ng katuturan.
“So ngayon, nag-i-improve pa po tulad ng… holiday season, saka bukas na bukas na rin po kasi iyong ekonomiya; wala na pong large lockdown since last year, and July 22 of this year ay finally na-lift na iyong COVID state of public health emergency… So wala na pong restriction; lalo na iyong mga negosyo at industriya na pinaka-tinamaan ng pandemya, ng mga lockdown… tuloy-tuloy pa rin po iyong recovery. Maraming services na nagre-recover pa rin po like tourism, both local and foreign tourism… tuloy-tuloy pa rin po iyong paglago. Low-hanging fruit po iyon.”
Bumukas na rin sa malayang kalakalan ang iba’t ibang sektor, ani Ricafort. Halimbawa, aniya, ang mga paaralan na nagbukasan na para sa harapang pag-aaral. Sumasakay ng mga pampublikong sasakyang ang mga mag-aaral at ito ang nagpapasigla sa mga maliit na negosyo, aniya. Tumutulong ito sa paglago ng kabuhayan, aniya.
“Iyong iba, tuloy-tuloy din po iyong growth like iyong major contributors po sa Pilipinas like iyong remittances – tuloy-tuloy pa rin po iyong growth niyan at the rate of 3 to 4 percent – aabot iyan total, lahat-lahat… more than US$40 billion per year,” aniya
“Tapos iyong BPO, tuloy-tuloy pa rin po iyong growth niyan – more than US$35 billion per year. So, number two po iyong Pilipinas sa BPO; sa call center, number one ang Pilipinas; sa remittances, number four po ang ranking ng Pilipinas. Malakas ang ekonomiya,” aniya
Binanggit ni Ricafor ang pagbisita ni Akio Toyoda, chairman ng Toyota, sa bansa dalawang buwan na ang nakalipas at sumasalamin ito sa tiwala ng mga mamumuhunan sa Filipinas destinasyon ng kanilang puhunan, ani Ricafort.
“So in-acknowledge niya, ang Pilipinas according to him, number ten na market sa buong mundo… number ten na pinakamalaking market ang Pilipinas sa buong mundo.” Binanggit niya ang paglago ng kabuhayan ng Filipinas 5.9% sa third quarter ng 2023.
***
BALIK tayo kay Leila de Lima. Inaasahan namin na muli niyang bubuuin ang kanyang political career. Mas maigi na si Leila ang mamuno sa oposisyon kung nais niya at hindi iyong iba na pumupostura lang. Hindi puede si Gongdi bilang oposisyon dahil pagtatawanan lang siya. Hindi magaling si Gongdi at magaling lang siyang manlibak at magmura.
Hindi natin kailangan ang oposisyon na masama ang bibig. Mas kailangan natin ang oposisyon na magpapaliwanag na maraming usapin ng bayan. Iyong lilinaw sa mga isyu at hindi kuwalipikado si Gongdi. Walang pumapansin kay Gongdi sa kanyang pagpapanggap na oposisyon. Tama ang kaibigan na Ba Ipe: Pumuposisyon lang si Gongdi at hindi siya oposisyon. Niloloko tayo sa madaling salita.
Maiging ayusin na rin ang oposisyon. Huwag si Gongdi at ang mga kriminal ng Davao City. Maiging manatili ang alyansa ng Madalo, Akbayan, Liberal Party, at kahit ang Kaliwa.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Leila de Lima is the conscience of the nation. As a prisoner of conscience herself, she has a lot to give in pursuit of justice.” – PL, netizen, kritiko
“She (leila de Lima) prevailed even if it took seven long years. Now it’s imperative to put those responsible for her unjust incarceration in her lieu, from the mastermind to the lowest minions.
If she could triumph on this endeavour, our country would be halfway to recovery and its proper perspectives. Then focus on the imposed admininistration. Points to ponder.” – Sonny Rodriguez, netizen
“It’s an indictment of the justice system in our country where a sitting senator was incarcerated for six years without bail on trumped up drug charges. And now the justiis secretary is crowing about the independence of the judiciary just because a judge granted bail after more than six years to former Senator Leila de Lima.” – Julio Macaraeg Domingo, netizen
“An idiot in Philippine politics said Rodrigo Duterte could be an “elder statesman.” He does not know what Harry Truman once said: ‘A statesman is a politician who is dead 10 or 15 years.’ That idiot does not know what he’s saying.” – Mylene Otis, netizen
***
ISINULAT ito ng aming kaibigan, anim na taon ang nakakalipas.
IGNORANCE OF LAW IS NO GOOD EXCUSE
Six years ago, Koko Pimentel, in a display of his ignorance of international law and limited knowledge of the law in general, described as “nonsense crime” the crime against humanity charges, which Sonny Trillanes and Gary Alejano have filed in 2017 against Rodrigo Duterte and his co-conspirators before the International Criminal Court. Now, the charges have prospered as the Pretrial Chamber of ICC has order formal investigation. We don’t know what he meant of nonsense crime especially when we consider that the international criminal justice system has evolved. I couldn’t fathom his shameless ignorance and I wrote a brief rejoinder. This is what I said and wrote:
Koko Pimentel doesn’t know his history either when he said crime against humanity is a nonsense crime. The likes of Goehring, Keitel, Kaltenbrunner, Jodl, Frank, Frick, Hess, Ribbentrop, Rosenberg, among others were either hanged or imprisoned after they were found guilty of crimes against humanity. They were among the first batch of Nazi leaders tried in the fabled Nuremberg Trials shortly after World War 2. Kokok should not show publicly his limited knowledge of history and international law. He’s making us laugh. For a supposed Bar topnotcher, his statement reflects ignorance of history. It’s not a nonsense crime.
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post MALAYA NA SI LEILA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: