Facebook

TIIS-TIIS LANG, LILIPAS DIN

GANITO na marahil ang iniisip ng gobyerno lalo na yung mga nasa larangan ng pagmamando ng daloy ng trapiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Habang lumalapit na kasi ang araw ng Pasko kabilang na ang pagpasok ng taon ng 2024 ay talaga naman pasikip nang pasikip ang daloy ng trapiko na lalo pang lumala dahil sa mga pagbuhos ng ulan.

Gaya na lang sa Kamaynilaan na bagaman nagsanib puwersa na ang mga lokal na traffic enforcers sa mga kagawad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay sadyang barado pa rin ang mga kalsada.

Pero ang mapait pa nito ay marami sa mga operatiba ng MMDA ang nasasayang ang oras sa pagtutok sa tinamaan na magaling na EDSA Bus Lane na dapat sana ay nagagamit ang iba sa kanila sa ibang mga kalsada.

Hindi lang ang kahabaan ng EDSA ang nagbabara o masikip ang daloy ng trapiko. Napakarami pang kalsada kaya huwag ninyong ubusin ang oras ninyo riyan lalo na sa EDSA Bus Lane.

Kahit na ang skyway na sobrang taas ng singil ay nagbabara pa rin ang daloy gaya roon sa lugar ng Alabang-Sucat hanggang Makati na at gayun din naman ang patungong CALABARZON – sayang ang toll fees na bayad ng mga Pinoy.

Sa mga lalawigan lalo sa mga siyudad ay hindi rin ligtas sa pagbabara ng daloy ng trapiko sa panahon na ito subalit mabuti na lamang ay karamihan sa mga ito ay mayroon nang tinatawag na ‘By-pass Road’.

Ang mga naturang kalsada sa mga siyudad o munisipyo sa mga lalawigan ay sadyang malaki ang naitulong sa mga motorista dahil hindi na kailangan pang pumasok sa masikip na ‘town proper’ lalo na tuwing Kapaskuhan.

Sisihin man natin o hindi ang gobyerno dahil sa pagsisikip ng daloy ng trapiko ngayong Kapaskuhan ay malaki ang maitutulong ng mga motorista upang maibsan kahit papaano ang ganitong eksena sa mga kalsada.

Talaga naman sumisikip kapag ganitong panahon pero luluwag din kapag lumipas na ang Kapaskuhan subalit lalong lumalala ang sitwasyon dahil sa kawalan ng disiplina ng maraming drayber o motorista. Tulungan naman natin ang gobyerno!

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com

The post TIIS-TIIS LANG, LILIPAS DIN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TIIS-TIIS LANG, LILIPAS DIN TIIS-TIIS LANG, LILIPAS DIN Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 30, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.