TUWING kalagitnaan ng Disyembre, naglalabas ang International Criminal Court (ICC) ng taunang ulat bilang paglagom sa lahat-lahat ng ginawa ng pandaigdigang hukuman sa buong taon. Minamatyagan ito ng buong mundo sapagkat binabanggit ang bawat sakdal o information na inilatag ng iba’t-ibang tao, pangkat, o bansa kontra sa mga lider, o bansa na inakalang lumabag sa mga itinatadhana ng ICC.
Minamatyagan ng buong mundo ang kahihinatnan ng “formal investigation” na itinakda ng ICC laban kay Gongdi at kasapakat na sangkot sa madugo pero nabigong giyera kontra droga na inilunsad ng kanyang administrasyon mula ng umupo siyang pangulo noong 2016. Ito ang proseso kung saan aalamin kung dapat humarap sa isang paglilitis si Gongdi at mga kasangkot sa ICC sa The Hague. Kung mapatunayan, papatawan ng parusa si Gongdi at kasama dito ang kulong sa itatakdang panahon.
Hayaan ninyong banggitin ng pitak na ito ang mga nangyari sa nagdaang panahon. Noong ika-24 ng Abril, 2017, iniharap ng Magdalo sa pamamagitan ng namayapang mananamggol na si Jude Sabio ang unang information kontra Gongdi at iba pa. Paglipas ng dalawang buwan, sumunod si Sonny Trillanes at Gary Alejano na nagsumite ng pangalawang information. Inabot ng 18 buwan nang sumali sa Kaliwa sa pagpapanagot kay Gongdi at mga kaalyado sa pumalpak ng giyera kontra droga ni Gongdi.
Nagsumite ng kanilang sariling information noong ika-28 ng Agosto, 2018 ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) at Rise Up for Life and Rights, isang NGO na itinatag ng NUPL upang tulungan ang mga pamilya na naging biktima ng walang habas na patayan ng mga pinaghinalaang adik at tulak ng droga. Inilatag ang sakdal crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat. Dahil sa pandemya, nabimbin ang sakdal dahil sa dalawang beses na nagapela ang gobyerno ng itigil ang siyasat kay Gongdi. Ika-18 ng Hulyo ng 2023 ng nagpasya ang ICC Appeals Chamber na ituloy ang “formal investigation” sa sakdal laban kay Gongdi.
Dikit na nagkatalo ang lima-kataong Appeal Chamber sa pagtalakay sa apela ng gobyerno ng Filipinas na ipagpaliban o suspendihin ang formal investigation na hiningi ng gobyerno ng Filipinas sa apela. Tatlo sa limang hukom na pumabor na ituloy ang formal investigation. Tutol ang dalwang huwes na ituloy at kasama sa kanila ang Presiding Judge. Makahulugan ang pasya ng Appeal Chamber dahil walang hadlang upang umpisahan ang formal investigation.
Nagdesisyon ang gobyerno ni BBM na hindi na magharap ng anumang apeala sa ICC. Dalawang beses ng umapela ang Filipinas na huwag ituloy ang formal investigation, ngunit dalawang beses itong tinutulan ng ICC. Magiging katawa-tawa ang Filipinas sa buong mundo kung maghaharap ito ng ikatlong apela.
Binubuo ang Appeal Chamber nina Presiding Judge Marc Perrin de Brichambaut ng France at Hukom Piotr Hofmanski ng Poland, Luz del Carmen Ibáñez Carranza ng Peru, Solomy Balungi Bossa ng Uganda, and Gocha Lordkipanidze ng Georgia. Pumabor sina Hofmanski, Ibanez, at Bossa na ituloy ang nabalam na formal investigation. Tutol si Brichambaut at Lordkipanidze. Kung nanalo ang Filipinas sa apela, nangahulugan ng suspensyon ng formal investigation. Maaari itong mauuwi sa dismissal ng mga sakdal kontra Gongdi at mga kasapakat.
Bunga ng apela ng gobyerno ng Filipinas ang desisyon noong ika-18 ng Hulyo Appeals Chamber at ito ay humingi ng pagbalam o suspensyon ng formal investigation. Kinakatawan ng Department of Justice ang gobyerno sa Appeals Chamber. Hindi umano nagustuhan ng gobyerno ng Filipinas ang unang desisyon noong ika-26 ng Enero, 2023 kung saan hiningi ng Pretrial Chamber ang pagpapatuloy ng formal investigation sa sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakal sa ICC.
Sa apela sa Appeals Chamber, may ilang dahilan na binanggit ang gobyerno ng Filipinas upang suspindihin ang formal investigation: una, walang jurisdiction ang ICC dahil hindi na kasaping bansa ang Filipinas sa Rome Statute, ang tratado na bumuo sa ICC; pangalawa, nagkamali umano ang Pretrial Chamber sa pagpataw ng burden of proof, o ang pagharap ng mga katibayan sa gobyerno ng Filipinas at dapat ang ICC Prosecutor ang gumawa nito, at pangatlo, nagkamali umano ang Pretrial Chamber ng hindi nito pansinin ang pagsisiyasat ng gobyerno ng Filipinas sa ilang insidente ng EJKs; at pang-apat, nagkamali ang Pretrial Chamber ng sabihin nito na walang pagsisiyasat gobyerno ng Filipinas sa mga insidente ng EJKs.
Itinuturing ang majority decision ng Appeals Chamber bilang huling bahagi o kasukdulan ng mabusising proseso upang ilatag ang formal investigation sa crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasangkot kaugnay sa madugo pero palpak na digmaan kontra droga ng nakalipas na pangulo. Si Senador Antonio Trillanes IV at Kin. Gary Alejano ng Magdalo Party List ang nagsimula ng inisyatiba upang dalhin ang usapin ng extrajudicial killings (EJKs) sa ICC matapos gawin ng kanilang kampo ang masusing pag-aaral sa usapin. Inumpisahan ng Magdalo legislative staff ang pag-aaral noong Setyembre, 2016, o halos tatlong buwan matapos umupo si Gongdi bilang pangulo.
Dahil sa kawalan ng anumang official act ng gobyerno ni BBM sa desisyon ng ICC na ituloy ang formal investigation,maaring sabihin na hindi pagbabawalan ng gobyerno ng Filipinas ang anumang hakbang ng ICC na gawin ang formal investigation. Mas masusi ito kesa sa unang proseso ng preliminary investigation dahil formal na ihaharap ng mga saksi ang kanilang katibayan upang igiit na litisin si Gongdi at mga kasapakat sa ICC.
Sa maikli, walang anuman executive order na magbabawal sa mga taga-ICC na pumasok sa bansa upang pormal na siyasatin si Gongdi at mga kasangkot sa maramihang patayan kaugnay sa kanyang giyera kontra droga. Sa kawalan ng executive order o memo, malayang maglabas pasok ng bansa ang mga taga-ICC. Isa ito sa kinakatakutan ni Gongdi. Hindi kilala sa tapang at tatag ng loob ang maton ng Davao City. Kilala siya sa kawalanghiyaan at pang-aapi sa mga taong walang lakas at hindi lumalaban.
Hindi malinaw kung paano kokontrahin ni Gongdi at mga kaalyado ang ICC. May espekulasyon na maaaring tumakbo si Gongdi sa Peking bilang pagtalikod sa mga pananagutan niya sa ilalim ng international law. May espekulasyon na maaaring magtago si Gongdi at maging pugante sa batas. May hula na tatawag siya ng people power sa Davao City bagaman pinagtatawanan ito dahil hindi siya suportado ng mga mamamayan doon dahil bistado siya na mamamatay tao.
***
MGA PILING SALITA: “Mas marami ang naging magnanakaw sa gobyerno kesa sa mga estudyante na naging rebelde.” – Louie Logarta, netizen, mamamahayag
“The presidency, no matter how powerful, is a temporary job. He can’t have it for life because it has a term limit. That’s reality.’ – PL, netizen, kritiko
“Natatawa na lang ako sa mga tanga at bobong taga-Davao na dumepensa pa rin sa mga Duterte. Hoy, bilyones ang confidential funds ng mayor ng Davao City. Pero walang funds para sa anti-flooding projects? Diyan kayo dapat magwala. Lagpas tatlong dekada na sa poder ang mga Duterte.” – Miyako Izabel, netizen, kritiko
The post ULAT NG ICC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: