Facebook

VP SARA HINDI NILUBAYAN NG MAKABAYAN PATUNGKOL SA PAGGAMIT NITO NG P125-MILYON CONFIDENTIAL FUND NOONG 2022

Hindi tinitigilan ng Makabayan Bloc sa Kamara si Vice President Sara Duterte na magpaliwanag tungkol sa paggamit nito ng P125 million confidential fund sa Office of the Vice President noong 2022.

Kaugnay na rin ito sa desisyon ng bise presidente na hindi na hihirit ng Confidential at Intelligence Fund (CIF) para sa Office of the Vice President (OVP) dahil posibleng magdulot lamang ito ng pagkawatak-watak.

Naniniwala si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na sa kabila ng desisyon ni Duterte na hindi na ipilit ang confidential funds sa 2024, hindi naman matatakasan ng bise presidente ang pananagutan na magpaliwanag sa kabila ng naturang desisyon

Samantala, nakukulangan naman si ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa naturang pahayag ni Vice President Sara at iginiit na dapat maging categorical ito.

Kasabay ito ng paggiit na sa halip na isyu ng CIF, mas tutukan dapat nito ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon tulad ng learning crisis, kakulangan ng classrooms, dagdag na sahod at benepisyo ng mga guro.
@@@
Samantala hindi rin inaalis ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang posibilidad na maibalik sa panukalang 2024 national budget ang P500 million na confidential fund para sa Office of the Vice President (OVP) at ang P150 million na confidential fund naman ng Department of Education (DepEd).
Babala ni Pimentel, maaari pa ring tangkain na ibalik ang mga confidential funds sa bicameral conference committee kahit pa sinabi na ni Vice President Sara Duterte na hindi na hihingi ng confidential funds ang mga tanggapan na kanyang pinamumunuan.

Paliwanag ng mambabatas, pagdating kasi sa bicam ay posibleng mangyari ang kahit na ano kahit pa ang pagbabalik ng mga pondo na unang tinapyas o inalis sa ahensya.

Bunsod ng posibilidad na ito ay hinimok ni Pimentel ang publiko na patuloy na magbantay sa deliberasyon ng Kongreso tungkol sa 2024 budget.

Umaasa naman ang senador na hindi na ipipilit ng mga kapwa mambabatas na maibalik pa ang confidential fund ni VP Sara sabay hamon naman kay Pangulong Bongbong Marcos na tularan ang ginawa ng Bise Presidente na tanggihan na rin ang P2.3 billion na intelligence fund ng tanggapan nito.

***

Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com

The post VP SARA HINDI NILUBAYAN NG MAKABAYAN PATUNGKOL SA PAGGAMIT NITO NG P125-MILYON CONFIDENTIAL FUND NOONG 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VP SARA HINDI NILUBAYAN NG MAKABAYAN PATUNGKOL SA PAGGAMIT NITO NG P125-MILYON CONFIDENTIAL FUND NOONG 2022 VP SARA HINDI NILUBAYAN NG MAKABAYAN PATUNGKOL SA PAGGAMIT NITO NG P125-MILYON CONFIDENTIAL FUND NOONG 2022 Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.