IBINIDA ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang 147 water projects na kasalukuyang ipinatutupad ng pamahalaan.
Ayon kay PBBM, ito’y bahagi ng paghahanda ng gobyerno laban sa el niño phenomenon.
Sa katunayan, sinabi ng Pangulo na nakumpleto na ang unang walo sa water supply projects, kabilang na rito ang Balbalungao Reservoir Irrigation Project sa Lupao, Nueva Ecija.
Giit ng Presidente, kailangang maghanda sa epekto ng tagtuyot na aniya’y maaaring magtagal hanggang sa ikalawang bahagi ng taong 2024.
Kasabay nito, inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) na tapusin sa lalong madaling panahon ang konstruksyon ng mga water projects, kasama na rito ang iba’t-ibang irrigation projects sa harap ng nakaambang pagtama ng el niño. (Gilbert Perdez)
The post 147 WATER PROJECTS VS. EL NIÑO, IBINIDA NI PBBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: