NAWA’Y naging maganda at matiwasay ang nagdaang Pasko at Bagong Taon para sa lahat. Bumalik tayo sa realidad, dahil sa pagpasok ng panibagong taon. Simula ito ng bagong pagsabak sa pagsubok na haharapin natin. Isa dito ang P14.5 trilyon utang ng bansa na tiyak papasanin natin sa panibagong pagtaas ng mga bilihin at pagbaba ng kalidad sg serbisyo mula sa ating pamahalaan. ‘Eka nga ng isang kaibigan ganoon naman talaga. Ang mga bagay na nagpapasaya sa atin ika-iistroke ng iba. Pag ganito ang tumambad sa atin hindi maiiwasan na mamanhid ang kasukasuan.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nakalimutan na hindi nag-intrega ng humigit-kumulang P5.55 bilyon para sa pagbabayad ng mga buwis ng guro, teaching staff at bayad ng buwis sa katapusan ng 2022. Eto ang mga bayarin: P4.47 bilyon sa GSIS, P307.34 milyon sa PhilHealth, P193.768 milyon sa Pag-IBIG fund, at P572.6 milyon sa BIR. Dahil dito maaaring patawan ng COA ng parusa ang mga guro sa pamamagitan ng pagtaas ng interes at pagbawas ng mga benepisyo. Lahat ito ay nangangahulugan ng dagdag sa kanilang hulog.
Dahil itinalaga siya bilang kalihim ng DepEd, responsibilidad niyang pag-aralan ang takbo at ayusin ang problemang ito. Subalit imbes na gumawa ng “homework” at suriin ng mabuti ang pamamalakad at mga hinaharap na problema ng DepEd, hinayaan niya ito at inatupag ang pagkamal ng pondo para sa kanyang mga balak sa pulitika. Isa ang naudlot na “confidential funds” na binaril ng Kamara. Isa rin ang napipintong pagsakdal sa ICC ng dating “killer president” na ama niya si Rodrigo Roa Duterte. Hindi na ako nagtataka dahil anak ka niya at halatang obvious na minana rin niya ang ugali nito. Hindi rin ako magtataka na minana rin ang katakawan nito sa kapangyarihan.
Nakasaad sa Lucas kapitulo 6 bersikulo 43 hanggang 44: hindi pumapatak ang bunga ng malayo sa puno, at batid ko na kagaya ng tatay mo, tamad ka at mas inaatupag patibayin ang hawak mo sa kapangyarihan. ‘Eka ng karakter ni Don Cheadle na Basher sa Ocean’s Eleven: YOU HAD ONE JOB!!! Didiretsuhin kita Inday. Dahil pinabayaan mo ang isyu na ito tinitiyak ko na lalong lumiit ang “pogi points” mo sa mga botante sa darating na 2028. Damay-damay ang mga kasapakat mo sa Kamara at Senado. Bagaman, manatili tayong nakatungtong ang mga paa sa lupa, at nakatutok ang mata sa hinaharap. Hindi madali ang daan na tatahakin, ngunit maliwanag, na sa tiyaga at gawain na wasto; samahan na rin natin ng kaukulang panalangin, nagluluksuhan din ang mga balakid na kinakaharap. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian at Manigong Bagong Taon sa lahat!!!
***
Mga Harbat Sa Lambat: “As long as we realize that we are interpreting events according to our beliefs and feelings, and not claiming our viewpoint as absolute truth, we continue in the long, healthy line of interpreters of events. Once we claim that what we have discovered is the pure truth, however, we are in trouble. Democracies are living bodies that allow for disagreement – even as to our lineage. Autocracies and Theocracies do not…” – Richard Friedlander, manunulat, artista
“Funny that someone blamed Netflix for Philippine Cinema’s death, when the fact is it has actually committed suicide. Slapstick comedies, boring crime stories, and lousy love narratives were but attributes to its demise. Filipinos realized they’re already wiser than that. Thus the end of it…” – Jed Q. Cepe, netisen, kritiko
“Tandaan ninyo… Ang bawa’t paring Pilipino na nakatayo sa mga altar ng simbahan ngayon ay bunga ng buhay na inialay ng tatlong paring GomBurZa…” – Propesor José Victor Torres, guro, manunulat, historyador, netisen, kritiko
\”Ano ba ang pinaka masarap na flavor ng polvoron?…” – Xander Bondoc, netisen, kritiko
***
Wika-Alamin:
PINAKAS – Pinatuyo sa araw. Sa Bisaya ito ay bulad, sa Tagalog ito ay tuyo o daing. Kapag ginamit sa salita: “napakasarap ng pinakas na nabibili sa Carbon Market sa Cebu…”
***
mackoyv@gmail.com
The post BAGONG TAON, BAGONG PAGSUBOK appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: