Kasaysayan ang kalaban sa binabalak na modernisasyon ng mga pampasaherong jeep sa bansa. Daan taon na ang ginugol ng maraming nagmamay-ari at ilang salinlahi ang naganap upang mapanatili ang pagtakbo ng tinaguriang hari ng kalsada. Si Mang Juan, kung ilang ulit na nagpalit ng pampasadang jeep sa kalye ng kaMaynilaan at ilang ulit na itong naisalin ng mga ninuno ang pamamasada ng jeep na hanap buhay ng kanyang lahi. At heto ang pamahalaang walang puso at ibig alisin ang mga tsuper na tulad ni Mang Juan na ilang salinlahi na ang itinagal upang manatili sa kalsadang bumuhay sa pamilya ng kanilang lahi. Hindi nag-isip na marami sa tsuper ng jeep sa kasalukuyan ay anak, apo, apo sa tuhod ng maraming naglipanang kaluluwa na patuloy na namamasada kahit wala sa kakalsadahan na inaring pangalawang tahanan.
Sa tawag kuno ng panahon, kahit kulang sa paghahanda ang pamahalaan sa ibig o napipintong pagpapatigil sa pagpasada ng hari ng kalsada sa buong kapuluan. Mahusay sa mga balak ang mga tao sa Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) maging ang sa Department of Transportation and Railways kung modernisasyon ang usapin. Subalit malinaw na sablay sa laman ang mga nais na pagbabago dahil hindi napag-aralan ang epekto ng ibig sa tao ng modernisasyon isinusulong sa kakalsadahan, higit ang mga tsuper ng jeep na harimunan ang kalidad ng buhay. Sana’y silipin ang angulo ng epekto ng modernisasyon sa kabuuang kabuhayan ng bansa. Sa totoo lang, ano ang kalalabasan kung ‘di makapasok sa trabaho ang milyon-milyong mananakay na naghahanap buhay at nagpapagalaw ng ekonomiya ng bansa? Nagkaroon ba ng konsultasyon o konsultasyong laway ang naganap dahil tapos na sa isip ang balak na modernisasyon at kailangan ipatupad sa tamang panahon. Maganda ang balakin kung papel ang pagbabasihan ngunit hungkag sa kaalaman sa kabuhayan ng mga tsuper na umaasa sa pang araw-araw na pamamasada upang mabuhay.
Sa usapan ng modernisasyon, nariyan ang usapin ng konsolidasyon ng mga prankisang hawak ng mga indibidwal na nagmamay-ari ng jeep na pumapasada. Sa puntong ito, nais ng ahensiyang bangit na pag-isahin ang prangkisa sa ngalan ng kooperatiba kung saan ang mga tsuper ay kailangang maging kasapi. Sa sistemang nais ng LTFRB, isa na lang ang kakausapin hinggil sa prangkisa, at ano ang laman ng usapang ‘di mababatid ng kasapian. Ang tanong ni Mang Juan, paano ang tulad niyang tsuper na matagal ng pumapasada sa kakalsadahan. At dahil sa modernisasyon na mawawalan ng katiyakan hanap buhay na minana pa sa kanunuan. Sa puntong muling may tanong si Mang Juan kung sino ang may ibig ng programang modernisasyon na ibig kumita sa likod ng kanilang kamatayang pangkabuhayan? Ito ba ang napabalitang Congressman na kumakamal na P5M kada buwan. O istilong tamad na ayaw magtrabaho sa dami ng kinakausap at maliit ang takits?
Hindi umaayaw ang mga tsuper sa modernisasyon, ang mapaganda at mapalinis ang hangin na nalalanghap sa kapaligiran ang una sa kanilang adhikain. At sa totoo, ‘di nais na malanghap ang maruming usok na binubuga ng jeep na dala, bakit ‘di gawan ng solusyon sa sariling paraan ng bayan. Ang alisin sa kakalsadahan ang pinapasadang sasakyan ay tuwirang pag-aalis ng kakanin sa hapag ng milyon tsuper at ng pamilya binubuhay dahil sa kapritsong ibig ng iilan. Nariyan ang mga ahensya ng pamahalaan na maaring tumulong upang mapaganda ang kalidad ng tumatakbong pampasaherong jeep. Ang makipagtulungan sa mga pribadong korporasyon ng makuha ang ibig na pagbabagong imahe ng kakalsadahan ang gawin. Ang mag-isip ng kabutihan at solusyon at huwag dagdag pabigat kay Mang Juan ang unahin at ‘di ang pansariling hangad sa likod ng nakakarami. Tapos na ang panahon ng kami-kami, tayo-tayo, ngayon na ang panahon ng kaunlaran para sa lahat.
Sa totoo lang, usapin ang pagtigil sa pasada ng isang tsuper na larawan ng pambansang usapin dahil sa milyon-milyon ang aalisan ng hanap buhay na tanikala ng pamilyang mawawalan ng kabuhayan. Ang epektong ito ang nais na maisalba ng maraming transport group dahil hindi nasasagot ng pamahalaan kung matitiyak na ‘di mawawalan ng mailalabas na pampasaherong sasakyan ang maraming tsuper na titigil sa pamamasada. Bagsak na ang ekonomiya ng bansa bakit ibig ng iilan na ilugmok ang kabuhayan ng nakakarami. Tunay na nakakalason ang masarap na kinakain higit kung galing sa pawis ng nakararami. Walang patumanga gamit ang mabulaklak na salita ngunit hawak ang punyal na anumang oras ay itatarak sa hapag ni Mang Juan. Uulitin, maganda ang layon ngunit kailangan bang may masaktan o mawalan ng hanap buhay dahil sa ‘di binatid na epekto sa sambayanan.
Ang magandang layon na mabawasan ang polusyon sa kakalsadahan ng bansa ngunit walang pag-aaral sa epekto sa mawawalan ng hanap buhay na mga tsuper na umaasa sa pamamasada. Sa paglilinis ng hangin bakit kailangang maapektuhan ang mga tsuper na ang gaway’ maghanap buhay. Sa totoo lang, hindi pa nag-uumpisa ang phase-out ng pampasaherong jeep nariyan na ang usapang pagpalawig ng prangkisa sa maraming ruta na ‘di nabatid sa pag-aaral. Malinaw na ang kondisyon ng pamamasada sa mataong kakalsadahan ang ibig iduhagi sa ngalan ng malinis na hangin. Balik sa tanong na kung sino ang nagtutulak at sino ang makikinabang sa usapin ng konsolidasyon? At ‘di pa napag-uusapan ang butaw sa Kooperatibang itatayo at sino-sino ang tatayong lider ng mga ito. Sabi nga ng isang Marites, may Hummer na ang isang transport lider na unang umayon sa konsolidasyong bangit.
Masalimuot at mapait ang ibig na konsolidasyon ng prankisa ng mga pampasaherong jeep sa bansa higit sa kasaysayang dala nito sa atin bilang Pilipino. Matagal na panahon ang ginugol at silip kung paano uminog ang itsura ng mga sasakyang bangit. Mainam na igarahe ang usapin ng modernisasyon / konsolidasyon at ibasura ang nag-iibig na umangkat ng ‘di tiyak na kalidad na sasakyang ibig. Hindi inayawan ang kagalingan para sa lahat, ang pag-aralan ng labis at kung paano ‘di makakasakit sa tsuper at sa mga lokal na gumagawa ng jeep. Ang ayudahan ng puso at talino ang hanay ng transport ang dapat unahin ng pamahalaan. Huwag alisin sa isip na kasaysayan ng mga tumatakbong jeepney sa ating kakalsadahan ang karaniwang tanawin saan man sa bansa.
Si Mang Pilato na nagtutulak ng programang bangit, huwag magnais ng labis dahil kasaysayan ang tatamaan na kabilang ang iyong angkan. Huwag pumakabila ng tindig dahil sa kaperahan, sumama sa tama. Ang imahe ng lumang jeep ay pagandahin at panatiliing hari ng kalsada nang ‘di mawala at mapalitan ng sasakyan ng tsekwa. Unahin ang pakinabang ng Pinoy at ‘di ang dayuhang singkit.
Maraming Salamat po!!!
The post HARI NG KALSADA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: