Facebook

Ilang mataas na opisyal ng PNP gamit sa ‘multi-million’ daloy ng payola?

MARAPAT lang na paimbestigahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang tungkol sa talamak na pangongolekta ng “payola” ng mga koletong sa mga operator ng illegal gambling gamit ang ilang matataas na opisyal ng kapulisan.

Hindi lamang ito direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602 ng mismong mga tagapagpatupad ng batas.

Saan mang lupalop na lugar sa ating bansa ay lantaran ang operasyon ng iligal na sugal nasa pakiwari ko ay walang gobyerno at kaayosan na umiiral.

Ang masaklap mismong ang mga matataas na opisyal ng PNP ang nangunguna sa paglabag sa batas (PD 1602) dahil sa pagbibigay proteksyon sa gambling operation.

Nangunguna sa listahan ng mga illegal gambling ay itong jueteng, e-sabong, masiao, sakla, peryahan ng bayan o EZ2, lotteng at mga peryahan na may sugal.

Lahat ng yan ay alam ng naka-upong hepe ng pambansang kapulisan na si Police General Benjamin Acorda Jr.

Pero mismong si General Acorda ay inutil vs illegal gambling operations na ito.

Mistulang bulag pipi at bingi si Acorda laban laban sa mga organisadong sindikato ng iligal na sugal na protektado ng mga opisyal niya na dino-Diyos ng mga gambling operators.

Kahit saang lupalop ka dumako ay lantaran ang presensiya ng mga iligal na sugal particular sa CALABARZON,

Abala sa pangongolekta ng “goodwill” at lingguhang payola si alyas CHAN, JOHN-JOHN, PALAGAÑAS, RONALD ADLAWAN, RICO MALANGET, JACK MALINAO, Palagañas, Ronald Adlawan, Jack Malinao, Rico Malanget at isang alyas DELA CRUZ diumanoy nagpapakilalang mga sagradong mga bata sila ng STF, SOU at CIDG CRAME gamit ang pangalan ni CIDG Director PMaj Gen. Romeo Caramat.

Hindi rin nagpapatalo sa pag-iikot para mangolekta ng goowill at weekly payola ang mga pahirap na engkargado ng PNP na nagpapakilalang mga pulis gaya ni alyas DELFIN PARAK namay mga kolektong na sina alyas RANIEL, PATRICK, MERCADO gamit ang pangalan ni PNP Regional Police Office 3 ni General Jose Hidalgo Jr.

Sobrang abala rin ang mga engkargado ng PNP na nagpapakilalang mga pulis itong sina alyas BILLY at NESTOR gamit ang pangalan ni PNP-CORDILLERA ni PBGEN. David Peredo Jr.

Matataas ang ranggo sa PNP ang idinadawit ng mga nagpapakilalang mga BAGMAN na involved sa kotong activity at proteksyon sa illegal gambling.

Kaya siguro naging inutil si General Acorda dahil sa masamang sistemang umiiral ngayon sa hanay ng PNP.

Infairness sa mga nabanggit na PNP officials, kilala nating mga matino ang mga ito lalo na si General Acorda.
Samantala, patuloy rin ang talamak na iligal na sugal sa MIMAROPA Region na kahalintulad sa mga nabanggit na sugal partikular sa Oriental Mindoro.
Wagbibitiw may kasunod pa ito!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com

The post Ilang mataas na opisyal ng PNP gamit sa ‘multi-million’ daloy ng payola? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ilang mataas na opisyal ng PNP gamit sa ‘multi-million’ daloy ng payola? Ilang mataas na opisyal ng PNP gamit sa ‘multi-million’ daloy ng payola? Reviewed by misfitgympal on Enero 13, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.