INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang mga
frontliners ay nakapagtala ng halos 50 thousand ng arrivals na pasahero sa bansa nitong Bagong Taon.
Makikita sa tala ng BI na may 49,892 pasahero ang dumating noong December 31 kung saan ang 34% nito ay pawang mga dayuhan.
Sinabi ni Norman Tansingco, BI Commissioner, na nagpapakita lamang ito na nabawi na ng bansa ang momentum bilang popular holiday destination para sa mga foreign nationals.
Maraming hotels at establishments sa Metro Manila ang nag-host ng new year countdowns na dinaluhan ng mga Filipino at maging ng mga dayuhan.
Ibinahagi rin ng BI na sila ay nagproseso ng kabuuang 1.6 million arriving passengers para sa buwan ng Disyembre, ito ay higit pa sa una nilang projection na 1.5 million.
Wala ring naging major concerns o issues na naiulat habang nagsasagawa ng operasyon ang BI noong holiday season.
“Better public service is our gift for the holidays,” pahayag ni Tansingco.
“We are happy that our measures are working, and we vow to continuously improve our systems for 2024 and the years to come,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)
The post Pagdating sa bansa ng pasahero nitong Bagong Taon, halos 50K appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: