TODAS ang dating badigard ng alkalde nang pagbabarilin sa Barangay San Eugenio, Aringay, La Union nitong Linggo ng ma-aling araw.
Kinilala ang biktima na si Joy Balaoro, 35 anyos, dating badigard ni Aringay Municipal Mayor Eric Sibuma, tubong Abra na naninirahan sa nasa-bing barangay.
Ayon kay Maj. Romel Centeno, hepe ng Aringay Police Station, galing sa isang tinda-han ang biktima at nakasakay ito sa kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi pa kilalang salarin sa barangay road ng San Eugenio.
Namatay agad si Balaoro sa matinding pinsalang natamo nito sa katawan dahil sa tama ng cal 5.56 mm na bala ng ba-ril.
Nabatid na dating nabilanggo si Balaoro dahil sa kasong attemted murder at illegal possession of firearms noong 2019 ngunit pansamantalang nakalaya nang sumailalim sa probation ng hukuman.
Sinasabing nanilbihan ang biktima noon kay Mayor Sibuma pero tinanggal sa kanyang trabaho dahil sa mga nabanggit na kaso.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.
The post Dating badigard ng alkalde sa La Union tinodas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: