Facebook

Paano na?

ODIONGAN, ROMBLON — MAHIRAP ang nangyayari sa oposisyon. Walang kumikilos, walang nagplaplano, at, higit sa lahat, walang istratehiya upang harapin at lumahok sa halalang pampanguluhan sa 2022.

Ginagawang madali ng oposisyon ang lahat upang manatili ang mga kriminal ng Davao City sa poder. Kahit halata na nawawasak ang koalisyon ni Rodrigo Duterte dahil sa magkakasalungat na ambisyon ng ilang pulitiko, hindi kumikilos ang oposisyon.

Hindi malaman kung tatakbo o hindi si Bise Presidente Leni Robredo. Urong-sulong si Leni. Pinapaboran ang tumakbo bilang gobernador g Camarines Sur imbes ang panguluhan sa 2022. Hindi makapagdesisyon.

Timing daw ang kailangan, ayon sa ilan na hindi maintindihan na netizen. Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin ng timing Sa Oktubre, ayon sa isang netizen. Maluwag ang kanyang turnilyo sa ulo. Hindi mapapalipat ang mga taong nagtratrabaho na sa ibang pulitiko. May mga komitment na sila.

***

Totoo ang pananaw na natutunaw na ang koalisyon na nagpanalo kay Rodrigo Duterte noong 2016. Iniiwanan na siya ng mga kasama at hindi na ito kasinglakas noon. Alam na mga kasama niya sa koalisyon na mabaho na si Duterte. Wala itong panalo sa 2022.

Walang maipagmamalaki si Duterte. Bukod sa bastos at walang modo, batugan si Duterte sa mga atas ng serbisyo publiko. Iba mag-isip ang mga pulitiko. Para mga basketball player. Pang one-on-one. Kung si Sara o Bong Go ang patatakbuhin, ako na lang. Kaya kong talunin ang sinuman sa kanila kahit nakapiring ang mga mata.

Hindi instant noodle ang pulitika lalo na kung labanan sa panguluhan. Pinaghihirapan ito. Pinagpapaguran at umaabot sa ilang taon o buwan ang preparasyon. Higit sa lahat ay pinag-uusapan at pinagplaplanuhan ng mabuti.

Plano ng mga Marcos na ilaban si Bongbong sa 2022. Hindi masusungkit ni BBM kay Bise President Leni Robredo ang OVP sa Korte Suprema kaya magbabasakali na lang sila sa 2022. Ganyan rin ang plano ng mga Villar. Maaaring ilaban si Mark Villar at may mga balita na naghahanda na sila na sumabak.

Magsusunuran lang sa kanila ang mga lapiang pulitikal na may impluwensiya sila. Mawawala kay Duterte ang Nacionalista Party, Lakas NUCD, at Natioal Unity Party. Hindi kasangkapan ng anumang paniniwala sa puliktika ang mga lapian pulitikal. Kasangkapan sila ng mga malalaking pamilyang pulitikal sa Filipinas.

***

MASKI si Duterte, hindi nakakasiguro kung ilalaban niya ang alinman kay Sara Duterte o Bng Go, ang matapat na alalay. Walang matinding tagasuporta ang alinman sa kanila. Hindi basta naililipat ng ama ang suporta sa anak o alila.

Malamang na suportahan na lamang ni Duterte ang kandidatong malakas sa 2022. Basta hindi siya kakasuhan at uungkatin kung paano niya ibinenta ang Filipinas sa China. Basta hindi siya aakusahan na taksil siya sa bayan.

Ang pansariling kaligtasan ang personal na agenda ni Duterte. Alam na kahit sino ang maupo, uusigin siya dahil sa mga kapalpakan niya sa pamahalaan. Isasakripisyo siya basta makasiguro lang ng solidong suporta mula sa mga mamamayan.

***

HUWAG magtaka kung gumawa ng sariling oposisyon si Duterte. Kasama iyan sa istratehiya nila upang pilayin ang tunay na oposisyon. Huwag magtaka kung si Alan Pter Cayetano o Bebot Alvarez ang gawin niyang oposisyon. Parehong walang silbi sa kanya ang dalawa kaya gagawing mistulang panggulo sa larong teks.

Hindi malalakas ang kanilang partido. Binuo ni Cayetano ang BT pero anim o pito lang ang kasali. Hindi lumaki kasi hindi kinagat. Hindi namin alam kung paano nakuha ni Alvarez ang Reporma at kung ito nga ang Reporma na ginamit ni Renato de Villa noong 1998. Maliliit na grupo pero magandang panggulo.

***

GALIT at pangamba ang naramramdaman ng mga kababayan namin sa isla ng Tablas (siyam na bayan kasama ang Odiongan) pagkatapos magpalabas ng executive order ang gobernador ng Romblon na si Otik Riano na pinapayagan ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) na manggaling sa bayan ng Romblon, ang itunuring na epicenter ng Covid -19 sa lalawigan- na hindi dumaan sa quarantine.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagpatawag ng command conference ang Regional Director sa lahat ng Chiefs of Police sa buong lalawigan. Sa halip na gawin ito sa ibang bayan ay may nag-power trip pa at pinili pa na gawin ito sa bayan ng Romblon sa panahon ng may mataas na kaso ng Covid-19. Walang nagawa ang mga hepe ng pulisya kundi sumailalim sa itinakdang quarantine protocol pagbalik sa kanilang mga bayan.

Teka may ilang nakakabahalang detalye dito: umabot sa 89 kaso ang naitala sa bayan ng Romblon, ang iba ay namatay; hindi kinonsulta ni Otik Riano ang Municipal health officers at Mayors ng Tablas island bago ibinaba ang bagong Executive Order; basta na lamang pikit-mata ibinaba ito.

Wala pa naitala na namatay sa bayan ng Odiongan dulot ng mapanganib na sakit. Dahilan ang mahigpit na pagpapatupad ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng mga health protocols sa bayan ng Odiongan, ang may pinakamalaking bilang ng populasyon sa buong lalawigan. Patunay na may respeto sa kaniyang mga kababayan

Halos wala pa nagagawa si Otik Riano laban sa pandemya maliban sa pamumodmod ng bigas at de lata. Wala rin malinaw na plano. Sa ganang amin, salat sa serbisyo ngunit sagana sa pagpapakuha ng litrato.

Nakakahabala rin na madalas makita na binabalewala ang mga health protocol ni Otik Riano at ng taong kaniyang sinasamba na tila nag-aastang mga siga. Hiling ng mga taga

Tablas island na ibasura ang EO sa pangambang mababalewala ang mga pinaghirapan ng mga taga Tablas na mapanaling zero ang kaso sa isla. Kung hindi niya magagawa ito, kahit papaano ay ituring mo kaming tao.

***

MGA PILING SALITA: “Let’s put the blame squarely on our political leaders if nCoV spreads in the Phl and kills thousands. They’ve no sense of urgency.” – Lito Danganan, netizen

“Two months ago, vaccine czar Carlito Galvez Jr. was in the thick of negotiations with vaccine manufacturers and their distributors for a possible nationwide mass vaccination. He is still negotiating, although he’s not succeeding. Hindi pala puede ang nationwide immunization. The government doesn’t have the money and resources for an ambitious nationwide inoculation. Congress has allocated only P2.5 billion in the 2021 national budget for the vaccine. Bayanihan 2 has P10 billion. but it is unprogrammed budget, which means subject to available funds. We would not have that nationwide mass vaccination for the entire 2021. What we have now is KKB, or Kanya-Kanyang Bakuna. Progressive corporations are buying vaccines for their employees and staff. Some progressive LGUs are moving to have their own programs for their constituents. Rodrigo Duterte still wants to create a monopoly by China of the domestic market. But he is too sickly to command the respect of everybody in his gov’t. Lately, his own people squealed on him. Hindi pala P3,600 per dose ng Sinovac. Nasa P600 lang pala. Many things have happened or happening, but the madman is not succeeding in his evil deeds and agenda. The Makapili, or traitors in government, are being unmasked.” – Ba Ipe

The post Paano na? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paano na? Paano na? Reviewed by misfitgympal on Enero 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.