Facebook

Media Welfare Act meron din sa Senado

NAGING matagumpay ang pagsusulong ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng mga benepisyo para sa ating mga kabaro at ng sino pang parte ng sektor na pamamahayag, sa pamamagitan nang pagsasabatas nito.

Sa halos tapos nang proseso para maipasa ang Media Workers’ Welfare Act na House Bill 8140 na ipinasa ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa Kongreso, kahalintulad na panukala ang isinumite rin naman ni Senator Bong Revilla na Senate Bill 2021 na naglalayong patatagin pa ang kalagayan ng mga kawani at kabilang sa media sector.

Bilang journo o ang propesyon ng pamamahayag ay napakahalagang bahagi ng lipunan lalo na ngayong naglipana ang mga fake news sa digital na panahon ng social media, kaya naman naunawan ng ating mga mambabatas na kailangang tulungan ang mga nasa mainstream media na tinatawag upang maprotektahan ang mga ito.

Sa Senate Bill 2021 ni Sen, Revilla sinisiguro nito na ang mga mamahayag ay kailangan makatanggap man lang ng minimum wage, allowance at ibang pang benepisyong tnatanggap din ng ibang manggagawa. Layunin din nito na pangalagaan ang karapatan ng mga media workers maging ang proteksiyon ng mga ito sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Itinutulak din ng panukalang batas na ito na ang lahat ng media ay dapat mabigyan at maging miyembro ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund at PhilHealth. Kasama rito ang pagbibigay ng overtime pay, night differentials, at iba pang benepisyo sa ilalim ng Labor Code.

Kasama na rito ang P500 kada araw na hazard pay kapag ang mga media personnel ay kailangang mag-trabaho sa mga mapanganib na lugar at panahon gaya ng pandemiya. Maging mga gamit na magbibigay proteksiyon sa mga media sa pagtratrabaho ay kailangang maibigay din ng kanilang mga pinagtratrabauhang kompanya.

Sa panukalang batas na ito ni Revilla, kailangan mabigyan ng P300,000 ang pamilya ng media worker na mamamatay sa pagtupad ng kanyang tungkulin, P250,000 na disability pay at P150,000 na medical insurance. At kailangang maging regular ang status nito matapos ang anim na buwan na pagtratabaho magmula nang pumasok ito sa kanyang pinagkakatrabauhan.

Umaasa akong makakamtan ng lahat ng media worker ang mga benepisyong ito sa pagpasa ng mga panukalang batas na ito nila Rep. Taduran at Sen. Revilla. Malaking bagay ito sa ating lahat na nasa sangay ng pamamahayag.

Sinasaad ng Saligang Batas ang malayang pamamahayag at nakikita nito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga media sa ating lipunan upang mapabuti ang lahat at mapangalagaan ang matagal na nating tinatamasang kalayaan sa demokratikong sistema.

Ibinubuwis pa nga ng ating mga kabaro ang kanilang mga buhay kung minsan sa pagtupad lamang ng kanilang mga tungkulin at lathalain. Maging sa maraming panahon, ang media ay nagsisilbing front liners kahit pa may naka-ambang na panganib. Sumusuong sa gitna ng kaguluhan, emergencies, kalamidad, sakuna at kahit na digmaan.

Nararapat lamang na suklian ang ganitong mga kabayanihan sa pamamagitan ng mga tamang batas upang maipagpatuloy ng media ang kanyang tungkulin na bigyang kaalaman ang publiko o ang buong lipunan.

The post Media Welfare Act meron din sa Senado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Media Welfare Act meron din sa Senado Media Welfare Act meron din sa Senado Reviewed by misfitgympal on Enero 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.