Facebook

Pagbibitiw ni Magalong bilang contact tracing czar pinuri ng CBCP

MAGANDA halimbawa umano ang ipinakita sa publiko ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang magbitiw ito sa kanyang posisyon bilang contact tracing czar ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nang dumalo ito sa isang pagtitipon na nakitaan ng mga paglabag sa mga ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) executive secretary Father Jerome Secillano, ang ginawang pag-amin ng pananagutan ni Magalong sa nagawa ay magandang ehemplo sa mga mamamayan.
“At least maganda ‘yung ginawa niya, he took accountability for something that was done. Nakita ng taumbayan na mukha ‘yang mali, mukha ‘yang may paglabag sa health protocols, at least he owned up to it,” ani Secillano, sa isang panayam sa teleradyo nitong Sabado.
Umaasa naman si Secillano na tutularan ng iba pang lider ng bansa ang naturang ginawa ni Magalong at hindi magkakapit-tuko sa posisyon kahit pa nakagawa ng kamalian.
“Siguro nakita natin dito hindi lahat ng lider ganun. ‘Yung iba talaga kumakapit sa posisyon. Sana nga makikita natin ang mga pinuno natin nagbibigay ng huwaran din sa taumbayan,” ayon pa kay Secillano.
Nauna rito, napaulat na kasama si Magalong at ang kanyang maybahay sa mga taong dumalo sa birthday party ng celebrity na si Tim Yap.
Naging kontrobersiyal naman ang naturang party nang magkaroon ng ilang paglabag sa health protocols.
May ilan umanong dumalo ang nakitang walang suot na face masks at hindi rin sumunod sa physical distancing.
Inamin naman ni Magalong ang kanyang pagkukulang na itama ang mga paglabag at kaagad na nagbitiw sa puwesto bilang contact tracing czar.
Pinagmulta ang may 33 katao na lumabag sa ordinansa, kasama na rito ang kabiyak mismo ni Magalong.
“Ang ginawa naman ni Gen. Magalong malaking bagay din ito dahil sabi ko nga he owned up to it and he wanted to set an example. Sana nga lahat ng leader katulad niya,” ayon pa kay Secillano.
Iginiit rin ng pari na dapat ay mawala na rin ang tinatawag na entitlement sa mga public servant.
“Kasi, halimbawa ang namamayani dito yung entitlement, naku, hindi talaga public service ang ibibigay mo kung ‘di self-interest ang mamamayani dito,” sabi pa nito. (Andi Garcia)

The post Pagbibitiw ni Magalong bilang contact tracing czar pinuri ng CBCP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbibitiw ni Magalong bilang contact tracing czar pinuri ng CBCP Pagbibitiw ni Magalong bilang contact tracing czar pinuri ng CBCP Reviewed by misfitgympal on Enero 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.