Facebook

Covid update: 146 gumaling; 71 nasawi; 2,109 bagong kaso

Muling nakapagtala ng mahigit dalawang libong bagong kaso ngayong araw ang Department of Health (DOH) base sa inilabas na case bulletin no.322.
Sa ngayon, ang kumpirmadong kaso na sa bansa ay pumalo na sa 523,904 dahil na rin sa bagong 2,109 na karagdagang mga kaso.
Ang mga gumaling sa sakit ay umakyat na rin sa kabuuang bilang na 475,904 matapos madagdagan pa ng 146 recoveries.
Habang mayroong 71 na pumanaw sa nakamamatay na sakit dahilan para umabot sa 10,669 ang namamatay na sa bansa.
Nasa 36,943 naman ang aktibong mga kaso.
Samantala, may mga duplicates pa rin na kailangang alisin sa total case counts kung saan anim ang tinanggal kabilang ang dalawang recovered cases at dalawang pumanaw.
Bukod dito, 5 kaso na na-tag na recovered ang nareclassified biang deaths matapos ang ginawang pinal na balidasyon.
Kaugnay nito, mayroon pa rin anim na licensed laboratories ng DOH na hindi nagawang makapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Data Repository System o CDRS bago ang nakatakdang paglalabas ng bagong datos ng mga kaso. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)

The post Covid update: 146 gumaling; 71 nasawi; 2,109 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 146 gumaling; 71 nasawi; 2,109 bagong kaso Covid update: 146 gumaling; 71 nasawi; 2,109 bagong kaso Reviewed by misfitgympal on Enero 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.