Facebook

DILG sa LGUs, PNP: Hulihin mga nagnanakaw ng kuryente

INATASAN ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) ang mga otoridad at lahat ng local government units (LGUs) na hulihin ang mga indibidwal na nagnanakaw sa linya ng kuryente.
Kaugnay ito ng sunod-sunod na ulat na natanggap ng ahensya ukol sa pilferage o pagnanakaw.
Magtutulungan umano ang mga pulis at LGUs sa mga electric distribution utilities (EDUs) sa pag-iinspeksyon sa mga electric facilites at alamin kung sino ang mga nagnakakaw ng kuryente.
Sinabi ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr., maraming natanggap na reklamo ang ahensya na mas lalo pa raw dumadami ang mga naninirahan sa squater siters na gumagamit ng illegal jumper.
Iutusan na rin nito ang PNP at mga LGUs na tulungan ang mga electric distribution companies upang maiwasan ang mga ganitong uri ng pagnanakaw alinsunod sa Anti-Obstruction of Power Lines Act.
Hinikayat din nito ang mga lokal na gobyerno na magbigay ng permits, certifications, right of way, at iba pang mahahalagang dokumente na nakasaad sa batas para sa operasyon ng mga electric distribution companies. (Josephine Patricio)

The post DILG sa LGUs, PNP: Hulihin mga nagnanakaw ng kuryente appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DILG sa LGUs, PNP: Hulihin mga nagnanakaw ng kuryente DILG sa LGUs, PNP: Hulihin mga nagnanakaw ng kuryente Reviewed by misfitgympal on Enero 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.