
Kinumpirma ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na kanilang hinihimok ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Abu Sayyaf Group (ASG) na magbalik loob sa gobyerno para makapamuhay na ng normal.
Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod “Al-Haj Murad” Ebrahim ang BIFF ay binubuo ng tatlong break-away groups, ngunit dalawa sa mga ito ay bukas sa pakikipagdayalogo sa pamahalaang lokal ng BARMM.
Hindi naman tinukoy kung kaninong grupo ng BIFF ang nagnanais na sumuko sa pamahalaan.
Bukod sa teroristang BIFF nakikipag-ugnayan din ang BARMM sa mga miyembro ng ASG sa probinsiya ng Sulu para magbalik loob sa gobyerno at samahan sila para makamit na ang pangmatagalang kapayapaan.
Inihayag din Ebrahim na ilan sa mga nagpahayag na sumuko ay mayroong kasong criminal na kinakaharap.
Pinalalakas din ng BARMM ang kanilang security structure kung saan kaisa sila sa AFP at PNP para panatilihin ang seguridad sa Mindanao.
Tinututukan din nila ang dahan-dahang reintegration ng mga qualified MILF combatants sa AFP at PNP.
Ipinagmamalaki din ni Ebrahim na bumaba ang insidente ng mga atrocities sa central Mindanao ngayon, pwera na lamang sa ongoing military operation laban sa BIFF, criminal groups at mga drug syndicate na nag-ooperate sa rehiyon.
Tiniyak din ni Ebrahim na suportado nila ang Anti-terrorism Bill ng gobyerno at tutulong sila sa pagpapatupad nito.
Sa ngayon hindi pa niya masabi kung ang nasabing batas ay epektibo sa paglaban sa terorismo. (Josephine Patricio)
The post BARMM officials nakikipag-ugnayan sa BIFF at ASG para sumuko sa pamahalaan – Ebrahim appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: