Facebook

2 nanuhol ng P1.5m sa pulis para sa kalayaan ng banyagang ‘pugante’, kulong

ARESTADO ang dalawang Pinoy na kasamahan ng French fugitive nang tangkain ng mga ito na suhulan ang police investigators na may hawak sa kaso ng nakakulong na banyaga.
Kinilala ang dalawang inaresto na sina Aaron Christian Bolus, 31 anyos, negosyante mula Dau, Mabalacat City; at Joseph Julius Gonzales, 24, driver, mula Porac, Pampanga.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, nasa P1.5 million ang ibinibigay na pera ng dalawang Pinoy kapalit ng kalayaan sana ng nakakulong na banyaga.
Sinabi ni Sinas, nahuli ang dalawa sa entrapment operation sa loob ng CIDG Field Office sa Pampanga, Angeles City.
Ang French fugitive ay nakilalang si Julien Barrier, 39. Pansamantalang itong nasa kustodiya ng PNP matapos arestuhin noong Biyernes ng mga tauhan ng CIDG sa Clark International Speedway, Clark Freeport, Mabalacat City.
Subject ang nasabing banyaga sa ‘mission order’ na inilabas ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente.
Batay sa records ng BI, kabilang si Barrier sa database ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) dahil sa kasong illegal drugs na cocaine sa Paris, France.(Gaynor Bonilla)

The post 2 nanuhol ng P1.5m sa pulis para sa kalayaan ng banyagang ‘pugante’, kulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 nanuhol ng P1.5m sa pulis para sa kalayaan ng banyagang ‘pugante’, kulong 2 nanuhol ng P1.5m sa pulis para sa kalayaan ng banyagang ‘pugante’, kulong Reviewed by misfitgympal on Pebrero 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.