SINIBAK sa puwesto ang dalawang police officials dahil sa sunod-sunod na kapalpakan na kinabilangan ng pagkatakas ng dalawang Person Deprive Liberty (PDLs) at ang misteryosong pagkamatay ng isang preso sa loob ng kustodiya ng Macabalan Police Station 5 ng Cagayan de Oro City PNP.
Kinilala ang mga sinibak na sina Major Naomi Caudilla, station commander; at ang kanyang deputy na si Lt . June Paulette Docallos.
Umani ng sari-saring reaksyon ang pagkatakas ng suspected drug pushers na sina Joseph Cainoy ng Barangay Lapasan ng siyudad, at Danny Boy Panandigan ng Barangay Macabalan.
Inihayag ni City Police Director, Colonel Henry Dampal, na hindi katanggap-tanggap na natakasan ng dalawang preso at karumal-dumal na sinapit ng isang Kim Troy Francisco, 42 anyos, na gumamit lamang ng comfort room ay patay na itong nadatnan ng kanyang dalawang pulis na naka-duty sa mismong police station 5.
Sinabi ni Dampal na papatawan nila ng kaukulang parusa kapag natapos na ang kanilang isinagawang imbestigasyon kung bakit hindi napigilan ang pagtakas ng suspected pushers at pagpakamatay ng isang preso.
Una nang pumalag ang pamilya ni Francisco sa teorya ng PNP na nagpakamatay ito dahil sa malaking hiwa sa leeg at hindi pagkarekober ng kutsilyo na maaring ginamit sa krimen.
The post 2 pulis sibak sa misteryosong pagbigti ng preso at 2 nakapuga appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: