Facebook

Babae huli sa pagbebenta sa online ng mga pekeng property

ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng sangkot sa online scams na gumagamit ng pekeng larawan ng property na kunwaring ibinebenta niya.
Sa isang money remittance center sa Baguio City inabangan ng mga tauhan ng NBI ang suspek na si Shai Ann Fernando.
Sa naturang remittance center ipinadala ng complainant at ng NBI ang P10,000 downpayment sa umano’y 311 square meters na lupa sa Puerto Princesa, Palawan.
Modus ni Fernando ang mag-post ng mga pekeng larawan ng mga property na ibinibenta nito.
Ang pamangkin ni Fernando ang kumuha ng pera sa money remittance center pero nang makita ng NBI na inabot na niya sa suspek ang pera, dito na siya inaresto.
Napag-alaman ng NBI na may 4 warrant of arrest sa Palawan ang suspek at sa Baguio City ito nagtatago, kung saan itinuloy parin nito ang panloloko.
Sinampahan ng patong-patong na reklamo si Fernando.(Jocelyn Domenden)

The post Babae huli sa pagbebenta sa online ng mga pekeng property appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babae huli sa pagbebenta sa online ng mga pekeng property Babae huli sa pagbebenta sa online ng mga pekeng property Reviewed by misfitgympal on Pebrero 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.