ISINAILALIM sa ‘state of calamity’ ang 66 barangays sa bayan ng Bayambang, Pangasinan dahil sa pag-atake ng “harabas” o armyworms sa mga taniman ng sibuyas.
Sa ulat, hindi na mapapakinabangan pa ang halos 1,500 ektaryang taniman ng sibuyas dahil sa pamiminsala ng harabas.
Gagamitin ng lokal na pamahalaan ang calamity fund nito upang tulungan ang mahigit 1,400 magsasaka na apektado ng peste.
Matatandaan na noong 2016 ay mahigit 500 ektarya ng sibuyasan sa lalawigan ang napinsala sa pag-atake ng harabas.
The post Armyworms sumalakay sa taniman ng sibuyas sa Pangasinan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Armyworms sumalakay sa taniman ng sibuyas sa Pangasinan
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 10, 2021
Rating:
Walang komento: