CAGAYAN VALLEY – Sa kulungan ang bagsak ng dalawampu’t isa (21) na mga top most wanted sa batas matapos maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya dito sa Region 2.
Sa ulat ni Police LtCol. Andree Camhol Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, unang naaresto ng mga otoridad ang number 9 wanted sa regional level na si Jovanie Marcelo, 32, laborer, ng Cabatacan, Pudtol, Apayao, sa kasong panggagahasa.
Naaresto rin sina Philip Kiocho, No. 1 sa municipal level, 33, laborer, ng Brgy. Balzain, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya, sa kasong 2 counts Qualified Theft; Jojo Apangcay, No. 1 sa municipal level, 41, magsasaka, ng Dupax, Del Sur sa kasong 3 counts Rape.
Kasama rin sa mga nahuli ang No. 5 Most Wanted person sa provincial level na si Robel Tuquero, 35, driver, ng Magsaysay, Nueva Vizcaya, sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Person (Art. 294 RPC); Boyse M Usbal, No. 3 provincial level, 28, magsasaka, ng Magsaysay, Nueva Vizcaya, sa kasong Robbery with Force Upon Thing.
Kulong din sina Arcadia S Aquino, No. 8 provincial level, negosyante, ng Allasitan, Pamplona, Cagayan, sa kasong Attempted Murder at Attempted Homicide; Rafael M Gumaru, No. 9 provincial level, 23, construction worker, ng Brgy. Canogan Abajo, Sur Sto. Tomas, Isabela, sa kasong ilugal na sugal; Mary Anne D Beltran, No. 9 municipal level, 33, ng Brgy. Cubag Cabagan, Isabela, sa kasong droga; Sunshine Bulong Baruzo, No. 5 municipal level, 24,ng Brgy. Caligayan, Tumauini, Isabela, sa kasong Estafa; Imelda A Belda, No. 5 municipal level), 58, ng Brgy. Centro 2, Lasam, Cagayan, sa kasong ilgal na sugal; John Mark G Ocde, No.10 city level), 22, ng Villa Jesusa Subdivision, Brgy. Bliss Village, Ilagan City, Isabela sa kasong paglabag sa RA 9262.
The post 21 Most wanted sa Region 2 nalambat appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: