Facebook

5 sugatan, higit 30 structures napinsala sa region 11 at 12 sa 6.1 lindol sa Davao del Sur

LIMANG indibidwal na nasugatan sa 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Davao Del Sur nitong Linggo.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, ang mga nasugatan ay nabagsakan ng debris na agad namang isinugod sa hospital upang bigyan ng kaukulang lunas.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nasa mahigit 30 istraktura sa Region 11 at 12 ang iniulat na napinsala sa lindol.
May naiulat din nitong umaga ng Lunes na nasa 45 indibidwal ang na-displace sa Region 11 at kailangang i-relocate sa UP Mindanao Faculty and Staff Housing- Temporary Treatment and Monitoring Facility.
Ayon kay Timbal, sa datos ng NDRRMC sa probinsiya ng Cotabato nasa 13 kabahayan ang partially damage at 2 totally damage.
Sa kabuuan, sa probinsiya ng Cotabatoay nasa 19 kabahayan ang partially damage 2 totally damage.
Limang imprastraktura ang partially damage kabilang ang 2 simbahan sa M’lang, Cotabato; isang ospital sa Isulan, Sultan Kudarat; at 2 pribadong gusali sa Kabacan, Cotabato ang napinsala.
Kinailangan ding ilikas ang mga pasyente ng Kidapawan Medical Specialist, Madonna Medical Center, at Kidapawan Doctors Hospital Inc, para mainspeksyon ang mga gusali, pero nakabalik narin.
Pitong landslides naman ang iniulat sa Makilala at isa sa M’lang.
Sinuspindi ng City Government ng Kidapawan at DepEd Cotabato School Division ang kanilang pasok nitong Lunes ng umaga mula 8am-12pm para sa structural assesment ng gusali.

The post 5 sugatan, higit 30 structures napinsala sa region 11 at 12 sa 6.1 lindol sa Davao del Sur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 sugatan, higit 30 structures napinsala sa region 11 at 12 sa 6.1 lindol sa Davao del Sur 5 sugatan, higit 30 structures napinsala sa region 11 at 12 sa 6.1 lindol sa Davao del Sur Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.