ARESTADO ang isang retiradong pulis na sangkot sa pagkidnap sa isang empleyado ng City Hall ng Navotas City.
Nakakulong ngayon sa Navotas City Police si retired Police Staff Sargeant Rolando Morato, 61 anyos, ng Caloocan City.
Sa ulat, naresto si Morato sa kanyang tahanan dahil sa kasong serious illegal detention, robbery with connections to omnibus election at kidnapping.
Base sa rekord na isinampa ng City Prosecutor’s Office sa Navotas Regional Trial Court, sangkot si Morato sa pagdukot sa driver ng City Hall na si Romel Sopera noong gabi ng May 13, 2019 election.
Kasama rin sa mga kinasuhan ang Barangay Chairman ng Tangos na si Wilfredo Mariano at isang abogado ng PDP Laban na si Rico De Guzman na kumandidatong kongresista noong 2019 na kalaunan ay kapwa inabswelto ng pisklaya sa kanilang mga kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
Paliwanag ni Morato, pulitika ang dahilan ng mga kasong isinampa at walang katotohanan ang mga alegasyong kidnapping, pagnanakaw at iba pa.
Inarkila lamang aniya ang kanyang sasakyan noong 2019 election para maghatid ng mga pagkain ng poll watchers sa mga presinto noong nakaraang halalan.
Subali’t habang naghahatid sila ng pagkain sa mga presinto ay may nakita aniya ang kanyang mga kasamahan na namimili ng boto sa Brgy. Tangos kung kaya’t kanilang isinakay ito sa van upang dalhin sa Barangay.
Wala rin aniya siyang interes sa pulitika sa Navotas City dahil residente at rehistradong botante siya ng Caloocan City.
Maghahain sana ng piyansa si Morato noong Biyernes ngunit hindi ito nabigyan ng release order ng Office of Clerck of Court nang ipitin ang order of payment dahilan upang magtagal pa si Morato sa kulungan.
Ayon kay Morato, panggigipit lamang ito sa kanya.
The post Retiradong pulis sangkot sa kidnapping, huli appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: