Facebook

Most wanted person na parak timbog

TIMBOG ang isang dating pulis na kabilang sa mga “Most Wanted Person” sa operasyon sa La Carlota City, Negros Occidental.
Kinilala ang nadakip na si Anecio Lapara Jr. alyas “Bato/Dondon/Junior” na dating miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, 8:30 ng umaga nang madakip ng pinagsanib na mga elemento ng Intelligence Service Operation Division Regional Intelligrnce Unit-6, PNP-IMEG, La Corlota Police, at Regional Intelligence Division, PRO8 sa Lapaz St., Barangay 1, Poblacion, La Corlata City.
Nahaharap si Lapara sa tatlong kasong kriminal na Robbery, Robbery in bond at illegal Possession of Firearms.
Sa report, nagawang makatakas ni Lapara sa bilanguan sa Ormoc City habang dinidinig ang kanyang mga kaso.
Kabilang si Lapara sa listahan ng ‘National Most Wanted Person’ na mayroon nakalaan reward sa ilalim ng DND-DILG MC No 2002-39.
Dating miyembro ng Philippine Constabulary Class 88 si Lapara at natangap sa PNP noong 1991 ngunit nasibak sa serbisyo noong 1999 at pinamunuan ang isang criminal gang na nag-o-operate sa Region 7 at 8. (Mark Obleada)

The post Most wanted person na parak timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Most wanted person na parak timbog Most wanted person na parak timbog Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.