POSITIBONG kinilala ng mga kaanak ang bangkay ng isang lalaking nakasemento sa loob ng drum sa Mabitac, Laguna.
Ito ay ang magsasaka na si Romeo Torres na taga-Norzagaray, Bulacan.
Sa report, nakilala ang biktima sa pamamagitan ng suot nitong damit at bota.
Ayon sa mga kaanak, nagpaalam ang biktima noong Pebrero 3 na pupunta sa taniman ng saging upang mamitas ng prutas na maibebenta at simula noon hindi na ito nakauwi.
Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng autopsy na isinagawa sa bangkay.
May mga tama ng baril ang biktima at nakagapos ang mga kamay nito.
Wala pang impormasyon ang pulisya kung sino ang posibleng may gawa nito.
Naiuwi na sa Bulacan ang mga labi ng biktima para mailibing.
The post Bangkay ng lalaking senemento sa loob ng drum kilala na! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: