Facebook

Bikers Safety pinahahalagahan sa QC

BABALA sa lahat ng mga motoristang binabalewala ang mga espasyong inilaan ng QUEZON CITY GOVERNMENT para magamit at sa pang-seguridad ng mga nagbibisekleta ay pagmumulta ang kasasapitan ninuman.

Batay sa isinumiteng BIKE LANE APPREHENSION REPORT sa tanggapan ni QC MAYOR JOY BELMONTE ay.may 524 violators na ang napag-aaresto at napagmulta mula noong January 1 hanggabg 31 at 94 violators naman pinaghuhuli mula nitong February 1 hanggang 6.

“Gusto nating igiit sa publiko na ang bike lanes ay para sa mga bike lang. Kung kayo ay naka-motor o gumagamit ng sasakyan, hindi kayo pwede sa loob ng bike lane. Bike lanes are designed to put the safety of cyclists first. If you run over or obstruct their lane then that puts them in danger and defeats the very purpose of our bike lane,” pahayag ni Belmonte.

Ipinunto ni DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY (DPOS) CHIEF, ELMO SAN DIEGO na ang pinaigting nilang pang-aaresto ay mula sa sanib-puwersang inilunsad ng DPOS-GREEN TRANSPORT OFFICE at ng TASK FORCE FOR TRAFFIC.AND TRANSPORT MANAGEMENT.

Iginiit ni DPOS CHIEF SAN DIEGO na kinakailangan aniyang matiyak ang seguridad ng lahat na mga road user kabilang na ang mga nagbibisekleta na dapat maobserbahan sa lahat ng mga pagkakataon.

Ang mga lalabag sa QC SAFE CYCLING AND ACTIVE TRANSPORT ORDINANCE ay may kaukulang pagmumulta na P1,000 para sa unang paglabag; P3,000 sa ikalawang paglabag at P5,000 para sa ikatlong paglabag.., kung saan, maginh ang mga pedicab ay bawal sa CYCLING LANES na kung lalabag ang mga ito ay may multang P300 o isang araw na community service para sa unang paglabag at sa muling mga paglabag ay P300 multa at kalahating-araw na seminar para sa safe cycling.

“Magsilbi sana itong babala sa ibang motorista. Huwag na po kayong pumasok sa bike lane at malaki ang tyansa na mahuli kayo ng ating enforcers,” pagpapahayag nu TFTTM head Dexter Cardenas.

Yun nga lang, sa.mga oras na dagsaan ang mga motorista sa oras ng unagang pagpasok sa trabaho ng iba’t ibang empleyado gayundin sa hapon pag-uwi ng mga trabahador o empleyado ay nakokopo ng.mga motorista ang kabuuan ng kalsada.., kaya naman, ang nga nagbibisekleta ay nawawalan ng espasyo.., tuloy, kung saan-saang may espasyo na lumulusot ang nga nagbibisekleta.

Ang mga inilaang espasyo o BLUE LANES para sa mga nagmomotorsiklo ay naookupahan din ng mga 4-wheels, kaya ang mga nagmomotor ay napipilitang magsisuot sa mga espasyong kakasyang malusutan ng kanilang.minanehong motorsiklo.., na dapat ay mapag-aralan pa ng husto hindi lamang ng QC GOVERNMENT kundi ng buong METRO MANILA para ang.mga inilaang linya ng nga sasakyan tulad ng mga motorsiklo ay maging eksklusibo ang kanilang linya gayundin ng mga nagbibisekleta!

PAGING UP ADMINISTRATION!

Dear Sir:

Maraming bulag at bingi sating mga kababayan na nagtatanong, bakit daw ang tagal na ng UP-DND Accord na yan eh ngayon lang nahalungkat? Bakit daw sa tagal ng panahon, kung kailan si Duterte ang nakaupo eh saka naisipan na ipasawalang bisa ang agreement na yan.

Ang isang malinaw na dahilan dyan, matagal ng ipinaubaya ng gobyerno sa UP ang pamamahala nito ng walang sundalo o pulis na basta nakakapasok sa loob. Ang tanong, naprotektahan ba ang mga mag-aaral ng UP at mga guro nito na hindi marekrut ng mga grupong galit sa gobyerno? Naging ligtas ba ang mga kabataan laban sa mga magaling mang-uto ng mag-aaral para mamundok at maging rebelde? Hindi ba’t ginagawa lang ng AFP at PNP ang mandato nila? Hindi ba’t dapat lang tayong magpasalamat na hindi nila pinababayaan na lumobo pa ang bilang ng mga estudyanteng iniuuwi ng bangkay sa kanilang mga pamilya?

From email sender.., Jersan Arguilles

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Bikers Safety pinahahalagahan sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bikers Safety pinahahalagahan sa QC Bikers Safety pinahahalagahan sa QC Reviewed by misfitgympal on Pebrero 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.