Facebook

Bong Go sa Telco companies: Wala na kayong lusot

DAHIL sa komprehensibong lehislatura at polisiya na iniimplementa ng pamahalaan para mapabilis ang pagpoproseso ng mga negosyo sa bansa, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go sa telecommunications companies na wala na silang dahilan upang magpalusot sa makupad nilang serbisyo.

“Meron na pong report na talagang ginagawa na po ng paraan ng ating gobyerno na mapabilis ang serbisyo ng telco, kasi ang dahilan ng telco noon matagal ang processing ng permits. So, nagbigay na ng instruction ang Pangulo na bilisan. In two to three weeks po, dapat tapos na ang permit,” ang paliwanag ni Go.

“So, ngayon wala nang dahilan dahil may batas na po ngayon na kapag tumagal ang pagproseso ng permit, pwedeng tanggalin ‘yung mismong nagpapabagal. Pwedeng kasuhan at tanggalin sa trabaho,” idinagdag ni Go.

Ang tinutukoy ni Go ay ang mga batas at polisiya na ipinatutupad ng gobyerno para maging maayos ang takbo ng mga negosyo sa bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng red tape sa burukrasya.

Ang huli ay ang Republic Act No. 11517 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December ng nakaraang taon na nagbibigay ng kapangyarihan sa Presidente na pabilisin ang paglalabas ng national at local permits, licenses, at certifications sa panahon ng national emergency.

Iniutos ni Duterte sa local government units na kumilos agad sa permit applications ng telecommunications companies sa loob ng 3 araw upang hindi sila makasuhan ng corruption o maharap sa suspensiyon.

Noong May 2018, nilagdaan ni Duterte ang RA No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act. Ang nasabing batas na nag-aamyenda sa Anti-Red Tape Act of 2007 ay layong mapabilis ang proseso sa pagsisimula at pagpapatakbo ng mga negosyo sa bansa.

Ngayong mayroon na ring ikatlong telco player sa bansa, ang Dito Telecommunity, sinabi ni Go na ang business competition ay magpapabilis na sa internet services para sa consumers.

“Ngayon, meron pa tayong pangatlong telco player. So, dapat po, mas meron nang competition, mas pag-igihan pa nila ang serbisyo,” ani Go sa telco players. (PFT Team)

The post Bong Go sa Telco companies: Wala na kayong lusot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa Telco companies: Wala na kayong lusot Bong Go sa Telco companies: Wala na kayong lusot Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.